Alin Ang Mas DEADLY , ALAK o DROGA???


photo courtesy : medicinet

DR. HILDA C. ONG REVEALS : ALAM ba ninyo na ayon sa isang pagsusuri na nailahad sa journal na The Lancet at sinuportahan ng British Centre for Crime and Justice Studies, ang alak daw ay mas delikado pa sa mga bawal na gamot tulad ng heroin at crack cocaine? Gumawa ang mga dalubhasa ng bagong sistema na kung tawagin ay “Multicriteria Decision Analysis” kung saan nilalagyan ng “score” (0 yung walang masamang epekto at 100 yung pinakamasama) kung gaano kadelikado ang bawal na gamot base sa epekto nito sa kalusugan ng taong gumagamit, epekto sa kanyang kasamahan, karagdagang gastos dahil sa masamang epekto, ang delikado, hindi nangangahulugang nakamamatay lamang.

Bagamat ang alak ang pinakadelikado sa sarili at sa kapwa tao, ang heroin, crack cocaine, and metamphetamine (shabu) ang pinakanakamamatay sa taong gumagamit.

Dahil sa laganap ang pag-inom alak, mas madalas itong nagiging sanhi ng mga kaguluhan. Ang pag-inom ng napakaraming alak araw-araw, tulad ng mga ginagawa ng mga lasenggo ay nakasisira sa halos lahat ng parte ng katawan, lalo na ang atay.

Kung ganun, bakit hindi ipagbawal ang alak?

Ayon kay Dr. Leslie King, isa sa mga dalubhasang nagsagawa ng pagsusuri, hindi praktikal na ipagbawal ang alak.

Masyado na kasi ito naging malaking bahagi ng ating kultura. Ang tamang pamamaraan ay sikaping mabawasan ang mga taong may problema sa pagiging lasengo sa halip na ipagbawal ito sa lahat.

Kung gayon, dapat ay gawin natin ang ating tungkulin na mas ipaalam ang tunay na peligro ng pag-inom ng alak lalo na sa nagiging alipin.

Maging sa karanasan ng mga Pilipino, hindi na birong buhay lalo na ng mga kabataan at ng katandaan man ang ganap na nasira dahil sa pagkalulong sa labis na pag-inom.

Nawawasak o napeperhuwisyo di lamang ang pag-aaral, trabaho kundi ang buong buhay.

Ito ay dahil sa napakaagang panahon ay natutuhan na ang pag-inom. Bagay na hindi nasansala maging ng mga magulang na ang sarili ay hindi rin nagawang disiplinahin at turuan ng tama.

Panggising ang kaganapang ito upang sariwain maging ng mga lokal na pamahalaan ang kahalagahan ng Value Formation. Nararapat lamang na sa panahong ito na laganap ang krisis sa lahat ng antas ng ating pamumuhay at lipunan at muling pagtuunan ng pansin ang pagpapanibagong bihis sa kahalagahan ng ating pagiging tao. Kadalasan, ito ay nakalilimutan na dahil sa labis na pagtalima sa mga material na bagay at iba pang luho ng ating katawan.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s