NEWSWORTHY ITEM : NAGKASUNDO ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) na baguhin ang stereotyping sa mga “ampon” o sa sistema ng pag-aampon na karaniwang napanonood sa mga telenovena.Kasabay nito, nakiusap si Social Welfare Secretary Dinky Soliman sa mga manunulat ng telenovela na ipakita rin ang magandang anggulo ng pag-aampon.Sinabi ni Soliman na magandang maipaliwanag sa publiko ang tunay na kahulugan ng pag-aampon at kailangang maging malinaw na hindi nakabababa ng pagkatao ang pagiging isang ampon.Ani Soliman, marami man sa mga palabas ang nagbibigay ng impormasyon kaugnay sa pag-aampon, hindi naman nito ipinakikita ang wastong impormasyon kaugnay sa proseso.Binigyang diin din ni MTRCB Chairperson Grace Poe Llamanzares na panahon na upang mabigyan ng halaga ang responsibilidad at ang benepisyo ng pag-aampon sa halip na ang negatibong stereotype lamang nito ang ipakita.
Related articles
- Peak X (cherryandbanana.wordpress.com)
- [Event] “KNOW ENFORCED DISAPPEARANCE,” a mini film expo (hronlineph.com)
- How Do We Move Beyond Stereotypes? (kittennis.wordpress.com)
- Jade(d) Stereotypes: The Jade Peony (paterson222.wordpress.com)