Bihira , as in bihira akong mapadako sa show na WilTimeBigtime but the other night sa kasusurf ; nasumpungang ko na may ininterbyu ang host na isang batang beki sa ‘Kantanong’ portion. Walang pangingiming inamin ng onse anyos na si JAYVHOT na siyang isang ‘babae from birth’ at sinwerte namang buong pagmamahal na tinanggap ng kanyang pamilya ang kanyang katauhan. Nandun nga ang pudrax niya na proud na proud sa ‘talentado’ niyang anak. So, fine… nguni’t nang bumirit na ito ng ‘And I Am Telling You’ ni Jennifer Hudson, everybody got so windang sa range at dynamics ng boses niya! Pati showmanship panalo! Willie Revillame was so overwhelmed na nagdeklarang siya na mismo ang magmamanage sa career na kahaharapin ni Jayvhot kung gugustuhin nitong pumalaot sa mundo ng showbiz! Buti naman at may video na agad sa performance niya : Heto, watch kayo!
Related articles
- Charice : Maangas Ang Bagong Look! (aliwanavenue.wordpress.com)
- Alden Richards : My Boy Lollipop 2012! (aliwanavenue.wordpress.com)
- HotelPinoy.Com – All New Website from GoTrip for Budget Friendly and Luxury Hotels in Philippines (prweb.com)
Ang galing.. habang pinanonood ko at pinakikinggan ang boses at performance nya.. nakaka iyak.. talgang nakaka amaze.. sana mabigyan sya ng break..