pep.ph grabs ALIWAN AVENUE bubble gag!


Its so nakakaALIWAN AVENUE talaga na ma-grab ang content nitong ating abang blog ng isang sikat na showbiz website tulad ng PEP.ph!  Sa isyu tungkol sa pagkadiskwalipika ng MNL143, nainspire ang inyong lingkod upang ito ay mas lalong makatawag pansin sa pamamagitan ng pagburda sa pizap ng FB ng larawan kung saan ay naka-inset ang maliit na larawan ni Joy Viado sa portrait ni Alan Paule.  Wala ako agad naisip na ‘dialogue’ pero working on the key word “Cinemalaya” naibulalas ko rin ito.  Naging viral sa grupo ng MNL143 ang bubble gag ko at pinik-ap naman ni William Reyes para sa PeP.ph, pero wala ni katiting na CREDITS para sa ALIWAN AVENUE kung saan ito ay likha ng inyong lingkod . Hindi ko na pinag-aksayahang lagyan ng watermark ang nasabing bubble gag photo dahil naniniwala ako na kung gamitin ito sa anumang kadahilanan mananaig ang nais kong iparating! Ito ang post kung saan nila nahablot ang bubble gag na yan: 8TH CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL : HINDI TALAGA “MALAYA”?

Narito ang kabuoan ng Pep.Ph post ni William Reyes :

Kung pagbabasehan ang mga naka-post sa Facebook account ni Joy Viado, tungkol sa estado ng pelikulang MNL 143, na nauna nang ma-disqualify sa 8th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival and Competition, kumpirmadong matutuloy ang pagsasapelikula ng indie film na ito ni Emerson Reyes.

 Sa Facebook account ni Joy ay naka-post ang isang larawan ng mukha ng dalawang bida ng kontrobersiyal na indie film na sina Alan Paule at Joy Viado na animong nag-uusap.

 Nai- share ito ng producer ng MNL 143 na si Nestor Abrogena:

 Alan: Hindi raw tayo bagay, Joy…  walang kalayaan ang CINEMALAYA, Joy, wala!

 Joy: CINEMALAYA?  Di ba, PESTEbal ‘yon?  Ahahahaha… Ahahaha!

 

Sa isa pang bahagi ng FB account ni Joy ay mababasa ang greeting ni Alan: “Joy Viado. I love you… – tito Alan”

 

Na-post naman ito ni Emerson, na may ng maikling video clip, na nagsasaad ng: “Hi. Tuloy ang biyahe. 143.”

 Ang kumpirmasyong ito ay nakarating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang mag-text mismo si Joy noong Huwebes, March 8.

 “Matutuloy na po!” maikling mensahe ng aktres.

 Maliban dito, the actress-comedienne kept mum on certain issues na sangkot ang kanyang pangalan. Sa huling pakikipag-usap ng PEP kay Joy, isang linggo bago pumutok ang ulat-kontrobersiya, wari’y “palaban” din siya kapag nahaharap naman sa mga maiinit na sitwasyon ng kanyang career.

 “Ako pa?! Ayoko ng tsina-challenge ako!” sabi ni Joy hinggil sa ugali niyang palaban, game, at go-getter.

 

THE REAL JOY.  Sa isang “getting-to-know” session with the real Joy Viado, naging madetalye ang paglalahad ng actress-comedienne hinggil sa pagsisimula at pagpapatuloy ng kanyang career—bilang isang singer at character actress and comedienne.

 That was one cool evening sa Music Box along Timog Ave., Quezon City.

 Sa pagkakaalam ng PEP, noong 2000, mayroon nang regular stint si Joy sa television bilang mainstay ng weekly horror series ng ABS-CBN, ang original series Oka Tokat.

 “Oo naman. Kami ang original nun.Ako ang tiyahin.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s