SENATOR MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO : “WAAAAAH!”


Dahil inaalmusal, pinananghalian, meryenda’t hapunan ni SENATOR MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO ang kaalaman sa batas, mahirap tibagin ang anumang paninindigang kanyang ginagawa sa tuwing mapansin niyang despalinghado ang kalakarang nagaganap sa loob ng impeachment court hearing kay SC Chief Justice Corona.  Nitong mga nakaraan ay sunud-sunod niyang tinuligsa ang kawalan ng masinop na paglalatag ng ebidensya at mga witness ng prosekusyon. Katunayan nga ay napa-“Waaah” siya dahil hindi niya mahanapan ng katinuan ang pinaggagawang aksyon ng prosekusyon.

Tukoy niya ang bawa’t kibot na palpak kung kaya’t higit na nagiging pasensyoso ang lupon na kinabibilangan ng mga representante ng mababang kapulungan at mga pribadong abogadong nagtutulungan na palakasin ang usapin laban sa punong mahistrado.  Kanina, naalimpungatan ko sa aking pagsisiesta si Senator Miriam at napapungas nang madaanan ng kamera si private prosecutor Atty. Vitaliano Aguirre , na parang unggoy na itinakip ang dalawang kamay sa mga teynga.  Naisip ko , naku, lagot ang mamang ito! Which actually happened later nang tawagin ni Senator Jinggoy Estrada ang kanyang pansin ukol rito. Nagkainitan din sila ni Senator Miriam at malamang ay alam na ng sambayanan ang naganap ngayon.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s