PAUL SALAS : SUPERSTAR IN THE MAKING!


Hindi siya overnight sensation.  Kung nasaan man siya ngayon ay bunga ng kanyang pamamayagpag mula nang sumali siya sa STARSTRUCK KIDS ng GMA7 noong 2004 kung saan ay tinanghal siyang isa sa 14 finalists. Puede ring sabihing may dugo siyang showbiz dahil ang kanyang daddy na si JIM ay miyembro ng sikat na UNIVERSAL MOTION DANCERS.  Katakataka pa bang bigla na lang nating masumpungang sa bawa’t kibo’t galaw natin ay matatanaw natin siya sa ABS2 nowadays?  Bigla mang naging bukambibig ang pangalang PAUL SALAS ay masasabing isang refreshing break mula sa usual stars na ating napapanood dahil ang katorse anyos na ito ay may matinding presence lalo ngayon sa kanyang role bilang bida sa OKA2KAT na mapapanood tuwing sabado ng hapon. Pamilyar ang kanyang mukhang nagbibinata dahil marami rin siyang nasalihang pelikula as a child star. Sa katunayan nga niyan ay nanalo siyang Best Child Performer sa 31st MMFF para sa kanyang pagganap sa isang episode ng SSR na kasali doon.  Chinito at kaigaigaya ang hugis ng anyo, hindi na rin seguro natin ipagtakang ang binatilyong ito ay isa sa sobrang sisikat sa kanyang henerasyon!

(foto: oka2kat promo/abs2)

By eklavumer Posted in SHOW!

2 comments on “PAUL SALAS : SUPERSTAR IN THE MAKING!

  1. He needs to work on his voice dahil medyo matinis at konting workshop pa dahil may mga moments na he’s overacting sa Oka2kat but he’s very promising and he’s on the right track.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s