KINILAW NA DILIS!


Seguro ang pagkikinilaw ang pinakamadaling gawing pagkaing Pinoy. Paano naman kasi hindi na ito kailangang isalang sa apoy.  Niluluto lang kasi ito sa suka kasama ng sibuyas, luya , paminta, sili (pangsigang o labuyo), at asin. Ganun lang super kasimple , pero syempre para mas lalong madesimulado ang lansa ng isda (hwag nah wag magkinilaw ng hilaw na karneng baboy, baka o anumang livestock) nilalagyan din ng dayap o lime o puede rin syempreng kalamansi na lang.  Kailangan lang talagang SARIWA ang isda. Ang nasa larawan ay KINILAO NA DILIS ; bongga ring ikilaw ang tanigue at tuna. Hindi pupwede yaong mga ilang araw nang tumambay sa freezer; panget na ang lasa nun.  Kaya dapat may suki ka talagang maasahang ang pinaka-wasaring panindang isda ang ibibigay sa iyo.  Mahal na mahal ko nga si SIMANG ang suki ko ditto sa Pamilihang Bayan ng Los Baños dahil lagi siyang may laang bagong hangong paninda mula sa karagatang ng Infanta, Quezon.  una, ‘dinaing’ niya muna isa-isa pagkatapos ay sinodsud  ang tinik, tapos hiniwahiwa ko na for serving purposes. Ganun lang.   O, ano pang hinihintay natin? FANG LA na mga kafatid!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s