RODERICK PAULATE, SABIT SA FALSIFICATION, GRAFT & CORRUPTION!


NEWSFLASH : SINAMPAHAN ng kasong “falsification of public documents” at “graft and corruption” ang actor-councilor na si Roderick Paulate sa Quezon City Prosecutor’s Office.     Si Paulate at isa niya pang tauhan na si Jocelyn Antonio ay kinasuhan ng isang Gina Magbanua na naninirahan sa 461 Katarungan Street, Barangay Commonwealth.

Ayon kay Magbanua, siya ay dating volunteer sa tanggapan ni Paulate at noong August 2011 tumanggap siya ng halagang P5,000 katumbas ng allowance na P1,000 kada buwan – mula February hanggang June 2011.   Sinabihan umano siya ni Antonio na hindi na siya kailangang pang magsadya sa opisina ni Paulate araw-araw, maliban nang tawagin siya para mag-report

Pero nadiskubre ni Magbanua na kasama pala ang kanyang pangalan sa listahan ng mga empleyadong pinasasahod ng tanggapan ni Paulate mula July 1, 2011 hanggang December 31, 2011 sa halagang P11,600 kada buwan bilang project monitoring officer. Ibinulgar ni Magbanua na kailanman ay hindi siya ang naka-pirma sa payroll ng mga buwanang pinasasahod bilang empleyado na inaprubahan ni Paulate at ng city budget officer na si Marian Orayan.  Si Paulate ay kabilang sa mga konsehal na naunang sinampahan ng kaso noong nakaraang taon sa Office of the Ombudsman tungkol sa nabulgar na anomalya ng “ghost employees” sa Konseho ng QC.

2 comments on “RODERICK PAULATE, SABIT SA FALSIFICATION, GRAFT & CORRUPTION!

  1. Yan na nga ba sinasabe about has been movie stars into government service and politics… objective is to serve RAW the pipol. Naku tigil, sila …real objective is to provide themselves source of income kasi nga wala na silang income from showbiz!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s