Ano Ang Tunay Na Nangyari kay EDDIE BOY VILLAMAYOR?


Bagama’t malaon nang hindi nababalitaan, sa mga umpukan ng mga mahihilig sa Pinoy trivia ay madalas pa ring nababanggit ang pangalang EDDIE BOY VILLAMAYOR.  Alam ng lahat na siya ang bunsong kapatid ng superstar NORA AUNOR at sumabak rin sa pelikula noong kanyang kasibulan.  Nakitaan din ng kagalingan sa pag-arte si Eddie Boy sa kanyang pagganap sa ALKITRANG DUGO at MINSA’Y ISANG GAMUGAMO , kung saan ay kasama niya ang kanyang ate.  Kamukatmukat na sana siyang sumikat nang bigla siyang nawala sa paningin ng madla.  May mga nagsabing medyo nagkadiprensya raw ito sa pag-iisip makaraang maaksidente at namatayan ng kabarkada.  Nabalita ring na-obsess ito sa kapatid ni Vilma na si Winnie Santos.  Hanggang sa mga araw at oras na ito ay wala pa ring maliwanag na eksplanasyon kung nasaan at kung ano ang tunay na nangyari kay EDDIE BOY! Sakali mang mayroong isang mambablog ng ALIWAN AVENUE na nakakaalam pakisuyo magbigay ng linaw sa katanungang ito. Marami pong salamat.

2 comments on “Ano Ang Tunay Na Nangyari kay EDDIE BOY VILLAMAYOR?

  1. Nasa mental institute ata sya, nabanggit na ni Nora noon na umuwi sya ng Pinas para na rin dumalaw sa kapatid nyang si Eddie Boy.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s