RAM REVILLA : PINASLANG DAHIL SA 1MILYON?


Si Ram kasama ang amang si Sen. Ramon Revilla

LATEST FLASH UPDATE BALITA :  ANG hindi pagkakasundo sa mahigit P1 milyong monthly allowance mula sa kanilang amang si dating Senador Ramon Revilla, Sr., ang tinitingnang anggulo sa pagpatay sa isa niyang anak na si Ramgen Bautista, ayon sa mga imbestigador. Ayon sa pulisya, ang nasabing halaga ay para sa siyam magkakapatid ngunit hindi kasama sa hatian ang kanilang inang si Genalyn Magsaysay. Ang biktima, bilang panganay sa siyam mga anak, ang humahawak ng pera, pahayag ng pulisya.Kaugnay nito, ang kapatid ni Ramgen ang itinurong mastermind sa pagpaslang sa kanya nitong Biyernes ng gabi.

Si Ramon Joseph Bautista, nakababatang kapatid ng biktima ay inaresto dakong 11 p.m. nitong Lunes sa Bacoor, Cavite .

Kinompirma ni Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., Philippine National Police spokesman, si Ramon Joseph at dalawa pang mga suspek na sina Michael Cruz Altia at Roy Francis Tolisora, ay inaresto kaugnay sa pagpatay kay Ramgen nitong Oktubre 28.

Ang biktima, 23, aktor na may screen name na Ram Revilla, at ang kanyang girlfriend na si Janelle Manahan, ay binaril at pinagsasaksak ng maskaradong mga suspek sa kanilang bahay sa President Avenue sa Phase 6A BF Homes, Parañaque City .

Agad binawian ng buhay sa insidente si Ramgen habang nagpapagamot naman ngayon sa pagamutan si Manahan.

Sina Ramgen at Ramon Joseph ay mga anak nina dating Senador Ramon Revilla, Sr., at Genalyn Magsaysay.

By eklavumer Posted in balita