Its Kalag-kalag season and of course at nakaka-stress sa karamihan (especially yaong mga may edad na) ang makidumog sa mga kamposanto. Nguni’t wala tayong magagawa dahil kaugalian na yan nating mga buhay na kahit isang beses sa isang taon ay pag-ukulan ng matinding pag-alala ang ating mga mahal sa buhay na lumisan na sa mortal na mundo. Sari-saring paraan ang ating nasasaksihan nguni’t isang adhikain lamang ang pinatutunguhan : ang mag-alay ng taimtim na pagdarasal upang sa gayon tayong mga buhay ay matiwasay na makapag-isip na natutulungan natin ang mga dearly departed na marating ang tugatog ng lahat ng kamalayang ito… ang mapasalangit! But then, dapat rin nating pag-alayan ng pansin ang sobrang pagkahilig natin ng mga BLIND ITEM , kaya heto na (Actually, luma na ang mga ito at ito na ang pinakahuling pagkakataong pagkakaaksayahan ko ng panahon… choz) :
1. SUPERSMOKER. Hindi malaman ng isang hospital worker ang kanyang dapat isipin sa kanyang nasaksihang gawi ng isang nagbabalik na sikat na artistang mujer. Dahil nga sa mahina na pala ang baga nito at talamak pa rin sa bisyo (kahit ipinangalandakan niyang nagbago na siya), ay naospital ito sa isang pangmayamang pagamutan. Ang siste, napakatigas pala ng bungo nito dahil kahit sa loob mismo ng hospital room nito ay humihirit pa ring manigarilyo! Wala raw itong malasakit sa kapwa may sakit dahil kung mamalasin ay puwedeng pagmulan ito ng mga pagsabog ng oxygen tanks! Sey ng source ng chikkang ito, hindi raw katakatakang bigla na lang matigok ang supersmoker na ito dahil kahit sariling katawan ay sobra nitong binabalahura!
2. TONG REPUBLIK. Dahil naguyong lumipat ng network at starring sa isang pabolosa (rawng) tele-ek-ek; hindi maiwasang pagtripan ang balong ito ng isang aksyon istar ng mga reporter tungkol sa kanyang love life. Pinagpipilitan ng mga showbiz talk shows na paglaruan siya kung kumusta na raw ang kanyang buhay pag-ibig at kung may balak pa itong mag-asawa uli. Syempre pakyut din niyang sinasagot ng mga generic answers dahil parang feeling niya na wala pang alam ang madla na isa siyang carpet eater o mahilig sa kapwa kefang. Ilang beses na rin kasing ang namayapa niyang jowa mismo ang nagsabing kahit kailan ay hindi naging kanya ang puso ng kanyang misis na malaon nang alam niyang lesbian!
3. HULING HULI. Kunwari natulala pa ang anak ng isang sikat na artista nang mahuli niya mismong nasa iisang kama at kapwa hubad ang kanyang kunwa-kunwang syota at ang matagal na nitong kalukadidang na aktor-pulitiko. Never naman kasing nagbreak ang dalawa at kahit superlaro sa ibang kahunks niya, doon pa rin siya aktor-pulitiko ‘umuuwi’. So, napag-alaman na naging challenge pala sa aktres-aktresang nakilala lang sa dalawang baduy na letra ang pangalan ang baguhin ang sexual orientation ng nunaladong actor-hunk nang tuluyang nang mabura ang memories of kabaklaan nito to no avail. Verdaderong beki talaga si actor at kahit pa supergandang mujer ay basura sa paningin niya!
Related articles
- Nang Dahil sa Research… (xoxocriseldalovestowrite.wordpress.com)
- Kababaihan sa Kasaysayan (primasuprema.wordpress.com)