SAMPUNG PINAKAMARUMING BAGAY SA MUNDONG IBABAW!


Bineza Zapanta Reports : ANG germs at bakterya ay everywhere. Lahat ata ng bagay na nakikita ng ating mga mata ay mayroong dumi. Ang mga duming ito ang nagdadala ng mga sakit. Sa aking pangangalap ng impormasyon ay natuklasan ko ang sampung bagay na pinakamadumi at narito ang resulta.

10. Pera. Lahat ng tao gusto ng pera siyempre hindi natin matutustusan ang mga pang-araw-araw na pangangailang kung walang pera. Pero ito ay napatunayang madumi. Simple lamang dahil sa madami na ang humawak dito ay naisasalin ang dumi.

Ayon kay Dr. Darlington, ang Health Commissioner ng New York, natuklasan niya ang 135,000 bacteria nang hugasan niya ang isang pera (bill) at 126,000 sa isa pang pera, eeewww di ba? Ang pinakamabisang panlaban dito ay ang palagiang paghuhugas ng kamay.

9. Switch ng ilaw. Napatunayan rin na isa sa pinakamaruming bagay ang switch ng ilaw. Ito ay dahil sa marami ang humahawak dito. Pinakamabisang gawin upang mapuksa ang mikrobyo dito ay ang pagpupunas ng clorox. At panlaban naman ay ang paghuhuags ng kamay at paggamit ng alcohol pagkahawak sa switch.

8. Computer keyboard. Naku, dapat na mag-ingat ang mga mahilig mag-computer o yung mga madalas na gumagamit nito. Lumabas sa pag-aaral na isa ito sa pinakamaruming bagay na ginagamit ng tao. Noong 2009, isang pag-aaral mula sa British consumer group na tinest (randomly o hindi sunud-sunod) ang 33 computer keyboard at isa rito ay nabatid na kasing dumin ng inodoro.

Linisin ang computer keyboard pagkatapos gamitin upang maiwasan na mamahay dito ang mikrobyo.

7. Remote control ng TV. Isa ito sa pinakamaruming bagay na nahahawakan ng tao araw-araw. Minsan natatapunan ito ng dumi lalo na ng pagkain ngunit hindi naman pinapansin. Punasan ito ng alcohol gamit ang isang malinis na tela.

6. Cellular phone. Isang bagong pananaliksik sa United Kingdom ang nagpapakita na ang mobile phone ay isang “technological petri dish” ng sampu hanggang libu-libong germs, ito ay dahil sa heat o init na nage-generate ng CP na nagdudulot ng bakterya.

Pinapayuhan na gumamit anti-microbial coating para sa phone o kaya naman ay madalas na pagpupunas na anti-bacterial na formula. Palitan na rin ang keypad kung matagal na o may sira na dahil sa bawat keypad sumisingit ang mikrobyo.

5. Toilet seat. Ayon sa isang statistics nabatid na 295 bacteria ang naninirahan sa kada square inch ng cold, smooth surface ng toilet seat. Yuck!

4. Push cart at basket sa supermarket. Sa sobrang dami ng humahawak nito araw-araw at sa fact na hindi ito araw-araw na nililinis ng supermarket ay kabilang ang push cart at basket sa mga grocery at supermarket sa pinakamaruming bagay na ginagamit ng tao.

Isipin mo na lang, kung ano kaya ang hinawakan ng taong humawak sa push cart na iyong gagamitin sa paggo-grocery.

Agad na maghugas ng kamay pagka-uwi sa bahay lalo na kung hahawak ng pagkain.

3. Bathtub. Totoo, isa ito sa pinakamaruming bagay na ginagamit ng tao. At maaaring makuhang sakit sa maruming bathtub ay ang staph infection, urinary tract infection, pneumonia, septicemia, o ilang form ng skin condition. Sa maniwala kayo o hindi ang mga bacteria na naiwan ay naglalagi malapit sa drain ng bathtub. Mami-minimize ang germs kung palagiang lilinisin ang bathtub.

2. Kitchen sink. Nabatid na mayroong 500,000 bacteria sa kada square inch ng inyong kitchen sink lalo na doon sa drain. Para maresolba ang problema dito, ay maaring buhusan ng 1/2 cup ng baking soda kasama ang 1/2 cup ng suka ang kitchen sink at banlawan ito ng mainit na tubig.

1. Sponge. Tama, ito ang pinakamaruming bagay sa loob ng bahay. Kaya nga pinapayuhan na guammit ng hiwalay na sponge para sa chopping board ng gulay at karne. Ang mga hilaw na karne gaya ng manok ay may salmonella na mapanganib sa kalusugan ng tao, kapag naghiwa ng hilaw na karne sa chopping board ay tiyak na kakapit dito ang sandamakmak na germs.

Isa pa, since, ang sponge ang pinanglilinis sa mga maruming plato, baso, kutsara at iba pang gamit sa kusina ay tiyak na maisasalin ang dumi sa sponge.

Pinapayuhan na hugasan ang sponge pagkagamit. Sabunin ito at banlian ng mainit na tubig.

One comment on “SAMPUNG PINAKAMARUMING BAGAY SA MUNDONG IBABAW!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s