“POPTALK” : Eating Out In Style With ToniPet Gaba!


Ang sabi ng mga negosyante, kung gusto mong pumatok agad magbukas ka ng kainan … karehan, carenderia, restoran, fine dining! Tiyak raw itong kikita dahil ang pagkain nga naman ay nasa tuktok ng listahan ng mga pangangailangan ng tao!  Pero kung isang tv show na ang pangunahing sangkap ay tungkol sa pagkain at kung saan masarap na mahagilap ito tiyak na wala nang dadaig pa sa POPTALK na mapapanood tuwing alas-10 ng gabi, Martes sa GMA NEWS CHANNEL 11.  Mas nakakaengganyo rin ang show dahil sobra sa energy at swak sa kanyang pinagkakaabalahan ang host nitong si TONIPET GABA!  Sa episode nito kagabi, naaliw ako dahil basta na lang nang-recruit si Tonipet sa kung saan-saan ng makakasamang ‘food judge’ ; meaning, hindi celebrities ang kasama niya kundi mga katulad nating tahimik na mga mamamayan.  Kakaiingit sila dahil superlafang talaga sa tatlong hinusgahang karenderya (Thai,Middle East,Japanese carenderias!) sa Metromanila! Hay, I wish masumpungan ako ni Tonipet one of these days!!!

By eklavumer Posted in tv

One comment on ““POPTALK” : Eating Out In Style With ToniPet Gaba!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s