
Samantala, muling pinatunayan ni Nora ang galing sa pag-arte. Tila hindi siya nawala sa limelight kahit sabihin pang walong taon siyang hindi umarte sa harap ng kamera. Naroon pa rin ang husay ng isang Nora Aunor sa mga tagpong ipinakita sa Sa Ngalan ng Ina.
Ang Sa Ngalan ng Ina ay isang natatanging istorya ng pagmahahal ng isang ina. Mapapanood na ito sa Oktubre 3 sa TV5. Tiyak na hindi madi-disapoint ang mga Noranian sa magandang pagkakagawa ng miniseryeng ito na tatakbo lamang ng isang buwan.
Ang miniseryeng ito ay hindi lamang nagtataglay ng naiibang istorya ng pag-ibig, pamilya, at responsibilidad. Ito rin ay naghahandog ng bago at advanced approached sa TV viewing sapagkat ang mga eksena nito ay kinuhanan sa full high definition (HD) quality.
Ang istorya’y sumasalamin sa isang natatanging istorya ni Elena Deogracias (Nora), isang tahimik ngunit matalino at may paninidigang babaeng nahalal bilang gobernador ng kanilang probinsiya. Hindi niya pinangarap na makabilang sa mundo ng politika ngunit kailangan niyang tiisin ang pangungutya at mga problemang nakapaloob dito sapagkat ipinagkatiwala sa kanya ang posisyong ito ng taumbayan at ipinangako niyang gagawin ang lahat ng makakaya sa kanyang bagong tungkulin.
Kasama rin sa miniseryeng ito sina Bembol Roco bilang si Armando Deogracias, ang asawa ni Nora at kilala bilang “Amang” sa kanilang bayan at si Christopher de Leon bilang Pepe Ilustre, isang lalaki mula sa nakaraan ni Elena.
Kokompleto sa powerhouse cast ng Sa Ngalan ng Ina sina Rosanna Roces, Ian De Leon, Nadine Samonte, Alwyn Uytingco, Edgar Allan Guzman, Eula Caballero, Karel Marquez, Joross Gamboa, Jay Aquitania, at espesyal na partisipasyon ni Eugene Domingo. Ito’y mula sa direksiyon nina Mario O’Hara at Jon Red.
fotocredit: YES! magazine
Related articles
- Nora Aunor : Toughed Up After Living Abroad! (aliwanavenue.wordpress.com)
- 44 Years of NORA AUNOR (aliwanavenue.wordpress.com)
- The Superstar Nora Aunor is a History and a Living Library of Great Achievements (socyberty.com)
MGA NORANIAN WORLWIDE:
TULOY TULOY LAMANG ANG ATING BOYKOT AGAINST ABS-CBN. MAG-UNSUBSCRIBE NA RIN KAYO NG TFC.
ITONG BOYKOT NATIN AY PARA SUPORTAHAN ANG NAG-IISANG SUPERSTAR LABAN SA MGA INGRATA NA KAGAYA NINA CHARO SANTOS AT MALOU SANTOS NA DATING ARTISTA LAMANG NG NV PRODUCTIONS NI ATE GUY.
AGAIN, IPAKALAT WORLDWIDE NA MAG-UNSUBSCRIBE NA NG TFC PARA MABIGYAN NATIN NANG LESSON ANG ABS-CBN. IBAGSAK ANG ABS-CBN.
HUWAG NANG I-RENEW ANG INYONG MGA SUBSCRIPTION NG TFC. BAGKUS AY TANGGALIN NA AGAD ITO. MARAMI NA PO SA MGA NORANIANS BASED ABROAD ANG NAG-UNSUBSCRIBE SIMULA NOONG ILUNSAD NATIN ANG “OPLAN: IBOYKOT ANG ABS-CBN” INFAVOR OUR NORA AUNOR AGAINST CHARO SANTOS!
SUPORTAHAN NATIN SI NORA AUNOR SA TV5.
KUNG WALA PANG TV5 KAPATID NETWORK SA INYONG MGA AREA, MADALI LAMANG NA MAPANOOD ANG SA NGALAN NG INA SA INTERNET. MADAMI NA PONG LIBRE NA LIVE STREAM SA INTERNET. I-SEARCH LAMANG PO NATIN ANG PINOY TV SHOWS LIVE STREAM AND PRESTO, BUBULAGTA ANG MGA SHOWS DOON NA GUSTO NINYONG MAPANOOD.
SA ORBIT, KUNG IBIG DIN PO NINYO, DOUBLE TREAT ANG OSN PARA SA MGA PINOY NA GUSTONG MA-SUBSCRIBE DITO SA ORBIT DAHIL ONCE YOU SUBSCRIBE TO ORBIT, MAY GMA PINOY TV, GMA LIFE TV at KAPATID TV5 at AKSYON TV5 ka na.
Hanapin lamang ang mga channels na ito sa OSN o ORBIT:
Channel 160 – GMA PINOY TV
Channel 161 – GMA LIFE TV
Channel 162 – MNL TV
Channel 163 – PINOY EXTREME
Channel 165 – KAPATID TV5
Channel 166 – AKSYON TV5
Go, go, go Noranians Worldwide, tuloy-tuloy lamang natin ang pagboboykot sa ABS-CBN. Mag-unsubscribe na tayo sa TFC.
Long live the one and only Superstar, Ms. Nora Aunor! Mabuhay NORANIANS WORLDWIDE!