Hindi pa man nasumpungan ng madlang-indie ang pangalang ADRIAN SEBASTIAN ; sa totoong buhay si Deidre Angelo dela Cruz ay isang masipag at masinop na mag-aaral na nagsikap makatapos ng kursong Nursing sa University of Perpetual Help System DALTA. Sadyang ugali na rin kasi ng ating makisig na binatang taga-Bustos , Bulacan ang pagpupursige kung kaya’t hayan na nga at NAKAPASA siya sa pinakahuling Nursing Board Exams. Kaya naman mula sa kanyang ASTRAL PRODUCTIONS family, sa pangunguna ni Sir Ding Buenaventura ay isang malutong at taos-pusong CONGRATULATIONS!
Incidentally, ngayong fullfilled na ang professional fallback option ni ADRIAN, nakatakdang muling gigiling ang digicams ng ASTRAL PRODUCTIONS upang simulan na ang dalawang PAGBIBIDAHAN niyang indielikula! At syempre pa, maraming excited dahil kilalang dekalidad na indie films ay iniluluwal ng ASTRAL PRODUCTIONS, tiyak na kaabang-abang ang mga pelikulang ito! Again, CONGRATULATIONS ADRIAN!
Pingback: Adrian chaster | Gilardin