Si Marc Macalintal Suot Ang Sapatos Ni Dr. Jose Rizal


Si Marc Macalintal bilang DR JOSE RIZAL

Sigma Delta Phi
in cooperation with the
History Division
University of the Philippines Los Banos
presents
EN CAMPOS DE BATALLA DE DR. JOSE RIZAL
written by:
Prof. Layeta Bucoy
directed by:
Prof. Elmer Rufo

Naging makabuluhan ang dapat sana ay isang tipikal at maulang Biyernes dito sa Los Banos , Laguna. Sa wakas ay muli akong tumapak sa D.L. Umali Auditorium makaraan ang mahigit isang dekada mula nang mapanood ang mga dula kong OBLIK at MIASMA sa entablado nito.  Aaminin ko ang aking pagdadalawang-isip na panoorin ang EN CAMPOS DE BATALLA DE DR JOSE RIZAL (translation: IN THE BATTLEFIELD OF DR JOSE RIZAL)  dahil inakala ko na espanyol ang lengwaheng ginamit sa kabuoan ng dula.
Dahil kahit na ngang ang mga katagang ‘en campos de batalla’ ay sangkap-pandiin sa MI ULTIMO ADIOS ay hindi ko pa maitugmang iangkop sa kasalukuyang panahon upang manghikayat na bigyan pansin muli ang tangang pagsinta ng ating pambansang bayani.  Ayaw ko mang suriin ang kabuoan ng dula dahil hindi ko na itinuloy ang panonood  matapos ng intermisyon dahil nangati na ako sa mga dayaming praps na manakanakang umaalimbukay ng gabok;  mamarapatin ko pa ring magsaboy ng ilang dos sentimos ukol sa produksyon. Una, ang paggamit ng mikropono ay sumupil sa theatrical experience dahil pigil na pigil ang pag-arte ng mga mandudula habang sinasabayan ang antas ng kanilang pagtatapon ng boses.  Perpekto ang DL UMALI audi sa mga pagtatanghal na hindi na gumagamit ng teknikal na tulong sa tunog dahil ito ay may magandang akostik ayon sa pagkakagawa nito.  Hindi ko madama ang nais ipatungkol ng bawa’t tauhan dahil napaka-konsyus nilang huwag sumabog ang kanilang mga boses.
Pangalawa, pinuno ng simbolismo ang katuturang hinangad ng produksyon; ang paggamit ng kawayan at dayami at alikabok ay kahanga-hanga nguni’t nagsilbi na rin itong sagabal dahil sa pag-akyat baba; pagbukas-sara ng mga praps.  Ang ‘moog’ ay literal na nakahambalang sa stage samantalang ang binalangkas ng dula ay nakalagak sa absurdistang dimensyon kung saan si Mariang Makiling ay naka-kimono; bigla tuloy akong nag-isip baka si Mariang Fiji ang kanilang tinuturan, di kaya?

Nariyan na nga at paulit-ulit na pinagdikdikan ang mga sakripisyong dinanas ni DR JOSE RIZAL sa kanyang pakikibakang ilantad ang kabalbalan ng kolonismo upang magising ang sambayanan at mangarap ng kalayaan; nariyan na rin at nagdusa ang kanyang pag-ibig kay Leonor Rivera at inilagak sa panganib ang kanyang pamilya; nguni’t walang bagong pananaw na isiniwalat ang dula na gumamit ng mga sangkap ng Brechtian theater ; kung saan ay laging inaasahan ang mabagsik at subersibong pananaw upang tuldukan ang isang mali o baluktot na panuntunan ng lipunan.

Si MARC MACALINTAL sa kanyang pagganap ng DR JOSE RIZAL ay isang rebelasyon. Napalutang niya ang angkop na suhestyong  mabuhay muli si Pepe sa loob ng isang malamya at pigil na pagtatanghal.

3 comments on “Si Marc Macalintal Suot Ang Sapatos Ni Dr. Jose Rizal

  1. maganda naman ang palabas, marami po kaming natutuhan: ang mahalin ang bayan higit sa sarili at pangalawa kay God.

  2. Tama po kayo, ang palabas ay isa sa mga pinkamahusay na napanood ko. Dito ako maraming napulot na aral, na kung tutuusin sa isang araw ay hindi mo matutunan ng ganun ganun lang. Ang mgat tauhan ay pawang magagaling, naisip ko nga “Siguro tooo ang kanilang isinasatinig.” lalo na si Marc Macalintal, isang napakahusay na aktor sa isang napakahusay na palabas. Kung mayroon pa pong susunod na palabas, masaya po akong maimbitahan sa panonood!

  3. bilang isang mag-aaral nirequire po kaming panoorin ang dula. ok lang po at naalala ko ang lola ko na paulit-ulit lang ang sinasabi.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s