KEAN CIPRIANO : “NEVER AKONG NATIKMAN O MATITIKMAN NI VICE GANDA!”


ALLAN DIONES WRITES : FILM VIRGIN ang rakista-turned-artista na si Kean Cipriano.Na-devirginize si Kean sa indie film na Ang Babae sa Septic Tank na kasali sa 2011 Cinemalaya filmfest.Bida sa pelikula si Eugene Domingo, na first time ding nakatrabaho ng bokalista ng bandang Callalily.“It’s my very first. I was devirginized by this mo­vie,” nakangiting sey ng 24-anyos na singer-actor.

Kumusta ang pagka-devirginize sa kanya ng nasabing indie film?

“Ang sarap! Ang sarap! Ang saya! Nu’ng una, kabado ako. But the thing is, I don’t really work, I just play. Alam mo ‘yon?

“Nu’ng una, kabado. Indie film, eh. Pero nagtiwala ako sa direktor, nagtiwala ako sa script. Naramdaman ko na, ‘Uy, ayos ‘to, ah? Ayos ‘to! So sige, let’s do it!’

“Sa storycon pa lang namin, lahat kami, ang ganda ng vibe. Lahat kami, naka-smile nu’ng pinag-uusapan namin ang movie.

Positive ‘yung na­raramdaman namin, posi­tive ‘yung ginagawa namin na trabaho, papunta siya siguro sa pos­tive na intensyon, na magiging po­sitive din ‘yung response ng mga tao.”

May dayalog si Kean na ‘masarap’ si Eugene Domingo sa lahat ng aspeto. Ano’ng ibig niyang sabihin no’n?

“Masarap siyang katrabaho sa lahat ng aspeto. Kasi, masaya, eh. Mabait siyang tao. Pero ‘yung sinasabi ko, eh hindi para bigyan mo ng meaning na ‘orgasmic’ na sarap. Hindi naman.

“It’s euphoric, actually. Una sa lahat, I admire her. She’s very lovely. That’s how I see her. Me as a fan and now as a friend. I found a friend in her.

“Magaan ang loob ko sa kanya, eh. So, ang saya ng vibe, ang saya ng flow, ang saya ng atmosphere namin sa set.”

Ang sabi ni Uge ay hindi na isyu sa kanya ngayon kung mas bata ang lalaking mauugnay sa kanya.

Kay Kean ba ay okey lang din ang ma-link sa babaeng mas may edad sa kanya?

“Yeah, why not. At kung sinabi niyang I rock, well, ang masasabi ko eh, she (Uge) rolls! Ha! Ha! Ha!”

***

Ilan sa showbiz girls na naugnay noon kay Kean ay sina Danita Paner, Arci Muñoz at Rachelle Ann Go.
Single ba siya ngayon?

“Yes I am, apparently,” natatawang sagot niya, pero hindi niya masabi kung gaano katagal na siyang single.

Bilang rakista ay maangas ang dating at macho ang image ni Kean. Pero nakakatuwa dahil close siya kay Vice Ganda at hindi pala siya homophobic.

“Alam mo kung bakit gano’n na sinasabing mukha akong mananapak ng bading? Kasi, dyina-judge ako. You guys are thinking na ganu’n ako ‘coz you guys don’t really know me.

“Kahit si Vice, sinabi sa sa akin ‘yon na ‘pag banda, ilang siya kasi parang naaaangasan siya, eh.

“But the thing is, I am a human being. I respect people. I respect myself. Alam mo ‘yon?

“I mean, bakla ka, tomboy ka, kung ano ka man, okey ka sa akin. Basta wala kang ginagawang masama sa akin. Basta ang intention mo sa akin, pure na magkaibigan tayo.”

Flattered si Kean na very open si Vice sa pagsasabing type na type siya nito dahil hinahangaan daw niya ang bading na ko­medyante.

Lumaki si Kean sa all-boys school mula elementary hanggang high school at nu’ng nag-aaral siya noon ay pinupuntirya siya ng mga bading sa school.

Aminado siyang inis na inis siya noon sa mga bakla at napaaway na siya dati sa isang bading.

Pero inihingi na raw niya raw ‘yon ng kapatawaran dahil luma­wak na ang utak niya pagdating sa bagay na ‘yon.

May pinsan siyang bakla na close sa kanya at nu’ng time na ‘yon ay ito lang daw ang bading na okey siya dahil pinsan nga niya.

“Pero naisip ko, kahit na sinong bakla, tao ‘yan, eh. Kumbaga, may misyon siya sa buhay niya. Lalo na si Vice, ang dami niyang taong napapasaya.

“So, sa nagagawa namin ni Vice, na naging magkaibigan kami, tapos ang intention namin sa isa’t isa, eh pure, ang dami naming napapasayang tao.”

Paano kung ligawan siya ni Vice?

“Vice knows what she wants. Meaning, hindi na para magpakababaw tayo na, ‘Huy, baka ligawan ka ni Vice!’ It’s not gonna happen.

“It’s not gonna happen in the sense na we respect each other, na alam ko na sa buhay ko, ‘pag tumanda ako, nagkapamilya ako, nagkaanak ako… kukunin ko siyang ninang.

“Alam mo ‘yung ga­no’n? ‘Yun ang gusto kong mangyari, na kakampi niya ako.”

So, hindi siya papatol sa bading?

“Honestly, no. Sana respetuhin ng buong mundo ang desisyon ko na ang gusto ko, eh babae.

But I’m never gonna diss any third sex person. I’m never gonna disrespect one. Unless i-disrespect niya

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s