AMANDA COLING & THE AZKALS RAPE ALLEGATION : SENSATIONALLY EXASPERATING!


Sumambulat na parang utot na bumantot sa internet ang diumano’y panghahalay ng apat na AZKALS players sa isang modelo sa mismong bahay ng kanilang manager. Maraming haka-haka at promptly naman na pinabulaanan ito ng AZKAL management gayon na rin ng mga inaakusahan. Sari-saring kwentong ang tinutumbok ay ang blog ng isang british coach-wannabe ng koponan. So, at least nalaman natin na meron din naman palang nightlife ang mga AZKALS at knows mo na ang kasunod. Syempre these are healthy dudes whose androgens can shoot up to the highest ceilings, noh?

So biglang naexcite ang halos lahat ng network at natukoy na nga ang babaeng diumano’y naging biktima nina Neil Etheridge, Anton del Rosario, Jason Sabio , Simon Greatwich na si AMANDA COLING.  FHM model raw siya at umalma nang bigla siyang tinanggal sa 100SEXIEST SHOW; promo girl din siya ng isang condom brand. Sa mga video clips ay hazy o pixelized ang kanyang mukha para maitago ang kanyang pagkakilanlan nguni’t marahil dahil sa hindi natin malamang dahilan ay bumulaga siya sa studio ng TV5 bilang guest ng PAPARAZZI (Later, umapir din siya sa SHOWBIZ CENTRAL; pareho lang walang makagunaw mundong pahayag na napiga si Pia Guanio sa kanya).  Simpleng babaeng walang make-up ang ating nabungaran.  Walang nahitang anumang pag-aamin sina Fermin at Twister dahil nabasa raw niya bago siya nagpunta sa studio na maari siyang idiin ng anumang sasabihin niya o isasagot sa interbyu.  Halatang harassed si Coling ; harassed in a sense na hindi niya lubusang nawawatasan kung bakit siya naroon in the first place.  Ang tanging sabi nya ay ‘forgiving’ siya at gusto niya ng ‘peace’.  Halata ring medyo may edad na pala siya at naroon ang bakas ng bagong pagpapaBOTOX dahil mukhang manhid  ang baba niya.

Ang dos sentimos ko lang dito ay WALANG PAROROONAN ang usaping ito.  Una, mukhang hindi naman interesado si Coling na kasuhan ang mga ‘diumano’ ay nanghalay sa kanya at pangalawa masyadong kwestionable ang kanyang reputasyon bilang isang babaeng basta na lamang sumama sa mga lalake na hindi niya alam ang implikasyon.  Sana na nga lang sumikat siya bilang isang modelo… ng sardinas! Chos.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s