Sir DING BUENAVENTURA ng ASTRAL PRODUCTIONS , MAY DALAWANG BAGONG PINAGKAKAABALAHAN!


Kapag likas sa isang tao ang pagiging masipag at hindi nangingiming harapin ang anumang hamon sa buhay, tiyak maasahan mo sa kanya ang maraming bago at kapanapanabik na mga kaganapan.  Ganito ang mga pangyayari sa buhay ni Sir DING BUENAVENTURA, ang butihing prodyuser ng ASTRAL PRODUCTIONS na ngayon ay nakatakdang magbukas ng dalawa pang panibagong negosyo. Matagal na rin nyang binalak na magkaroon ng gym at spa; kung kaya sa masusing pag-aaral at pagmamatyag sa mga ganitong adhikain ay nariyan na ang 3D GYM FITNESS CENTER na kompleto sa lahat ng mga high-end body building equipment.  Of course, dahil na rin sa kanyang napakalawak na karanasan sa advertising na siyang kanyang pinagkaabalahan sa Saudi ng may katagalang panahon ay unti-unti na ring naisakatuparan ang kanyang ZAJIL ADVERTISING and MODELING AGENCY.  Nakatuon ang agency sa paglingap at pag-develop ng mga talents for print & video ads ganun na rin para sa telebisyon at pelikula. Optimistic si Sir Ding na dahil sa kanyang magandang mga hangarin at pagpupursige na sumabay sa pag-unlad  ng nagbabagong anyo ng lokal na mundo ng libangan, magiging malaking bahagi ang kanyang mga itinayong kompanya sa kaganapan nito!

Matatagpuan ang opisina ng ASTRAL PRODUCTIONS, ZAJIL ADVERTISING and MODELING AGENCY at ang 3 D GYM FITNESS CENTER sa Don Ambrocio Village, Plaridel Street, Sabang, Baliuag, Bulacan.

One comment on “Sir DING BUENAVENTURA ng ASTRAL PRODUCTIONS , MAY DALAWANG BAGONG PINAGKAKAABALAHAN!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s