ALEX GONZAGA , VIVA’S LATEST DARLING!


CESAR PAMBID WRITES : KAHIT na nasa TV5 pa bilang talent si Alex Gonzaga, pumirma ito ng four-movie contract sa Viva Films gaya ni Jennylyn Mercado whose film career is handled by Viva, pero sa TV, sa GMA7 pa rin siya. Ito kasi ang trend ngayon na puwedeng tawaging piecemeal kind of management. Ganyan din kasi ang kaso ni Heart Evangelista who’s managed by Viva only for her commercials and endorsements. Pero sa Regal Films sa mga movie, at sa GMA 7 kapag sa TV.

May nakahanda ng movie si Alex sa Viva Films and this will be directed by Wenn Deramas.

Ipinagmamalaki ni Alex na kahit paano, suportado ng publiko ang Babaeng Hampaslupa na straight drama ang role niya.

She feels blessed that her first soap is one of the top raters on TV5 so it’s just been extended up to July.

“Talagang kabado ako when I first did it, lalo na’t puro magagaling na senior stars ang kasama ko like Susan Roces, Alice Dixson, Jay Manalo and Eddie Garcia. Intimidated ako noong una kasi ang huhusay nila, but I took it as a challenge dahil alam kong this is a big project. Ayokong ako pa ang makasisira rito. And in fairness to them, they really helped me sa acting ko, inalalayan nila ako, lalo na sa mga batuhan ng linya. At dahil seryosong drama ang role ko rito as the missing heiress Grace Elizabeth Wong, inalis muna ako roon sa gag show na ‘Lokomoko U’ at maging sa ‘Juicy Express’, pinabawasan ‘yung pagpapatawa ko’t panggagaya sa ibang stars. Nakagawa na rin ako ng shows sa ABS-CBN noon pero comedy and fantasy like ‘Let’s Go’ and ‘Tiny Tony’. First heavy drama ko talaga ang ‘Babaeng Hampaslupa’ at ang saya-saya ko dahil even in public, very positive ang feedback about the show. In the new season, maghihirap ang pamilya Wong dahil sa ’kin.”

Pero alam ba ninyong kahit na busy si Alex, naisisingit pa rin niya ang kanyang studies?

She’s taking up education-child development at University of Asia and the Pacific and is graduating this coming semester.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s