THE BALLAD OF MARIE DIGBY AND JAMES YAP


GINGER CONEJERO WRITES : Balik-ensayo si James Yap matapos magbakasyon. Sumalubong sa star player ang hot issue ng pagkakaugnay niya sa American-Japanese singer na si Marie Digby. Inamin kasi ni Marie na may komunikasyon sila ni James at nagkita na sa iba’t ibang okasyon.

“We communicate on Facebook and we have also run into each other a few times since I have arrived in the Philippines as well. No dates,” sabi ni Marie.

Ayon kay James, magkaibigan lang sila ni Marie.

“Bakit, masama bang makipagkaibigan?” tanong ni James.

Pagkakaibigan na posible pa ring lumalim lalo’t ayon kay Marie ay hindi niya isinasara ang kanyang pinto sakaling manligaw man si James.

“What I have been able to gather so far is he is a very very kind and a nice person. For me, in my life, I have made a decision not to base whether or not I like someone based on rumors or gossips. One of my biggest dreams is to be a mother, to be a wife so I’m trying to keep my eyes open now,” sabi ni Marie.

Sa ispekulasyon namang love triangle sa kanila nina Marie at aktres na si Isabel Oli, natawa lang si James.

“Ha ha ha. Hindi naman naging kami [ni Isabel],” sabi ni James.

Ayon kay James, malabo pa siyang pumasok sa bagong relasyon lalo’t hindi pa tapos ang annulment case nila ng ex na si Kris Aquino.

“Wala akong girlfriend. Kasi sinusulat nila na nanliligaw or something na [may relationship], ako na ang magsasabi na hindi totoo iyon,” sabi ni James.

Parehong nakatutok pa sa career ang 2 loveless: si Marie bilang bagong Kapamilya recording artist at si James sa palapit na basketball conference. Ginger Conejero, Patrol ng Pilipino

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s