MINSAN, MAY ISANG BAKLANG MATON…


ADELA H. WRITES : KUNG merong Buhawi Directors (mahahangin), meron ding Accidental Directors (nakatsamba).

Isang baklang maton (BM) ang nagsimula sa showbiz bilang utility man na tagasilbi ng kape at malamig na inumin sa shooting.

Dahil likas na matsika, kinalugdan siya ng magkakapatid na producer/booker ng mga pelikulang low-budget.

Kada bagong pelikulang gawin ng pamilya, nababago ang desig­nasyon ni Baklang Maton. Mula legman o sche­dule master, naging propman, setman, wardrobe mistress, art director, make-up artist, field cashier, location ma­nager, production mana­ger, production designer at ultimately… director.

Hindi man mataas ang pinag-aralan, may practical knowledge si Baklang Maton na natutunan niya hands-on sa iba’t ibang aspeto ng movie production.

Kulang man sa sophistication, bumabawi siya sa mabilis na desisyon sa mga problema sa set.

Bagama’t may katutubong bait at kababaang-loob, paminsan-minsan ay umaariba ang yabang ni Baklang Maton.

Minsan, nagkasalubong sila ng unang direktor (UD) na nakasama niya sa paglalandi at ilang raket.

Naging legman siya ni UD, later make-up artist, at production manager sa huli nilang pagsasama sa production outfit na itinuring nilang family.

Happy si UD sa asenso ni Baklang Maton na dating under niya pero ngayon ay ka-level na niya bilang director.

Excited si Baklang Maton sa pagsi-share ng kanyang mga karanasan.

“Alam mo, Direk, kamakailan ko lang nadiskubre kung gaano kaimportante ang catchy title at magandang music,” ani Baklang Maton na para bang ­nagle-lecture sa kapwa niya baguhan sa pagdidirek.

Palihim na natawa si UD sa pronouncement ni Baklang Maton at hindi na niya ito kinontra.

***

Nagkasunud-sunod ang sex movies ni Baklang Maton pero sanda­ling panahon lang iyun ng pamamayagpag.

Nagkaroon ng di-pagkakaunawaan si Baklang Maton at ang kanyang la­test lady producer.

Pinagkatiwalaan si Baklang Maton ng Lady Producer na mag-operate ng isang beauty parlor sa home province ng produ­cer, bale fallback sa panahong walang shooting.

Balita’y may perang nagalaw si Baklang Maton na hindi nito maipaliwanag kung paano nawala.

Isa pang kaso ni Baklang Maton sa Lady Producer ay ang pang-aahas sa jowa nito na nagsilbing assistant director ni Baklang Maton.

Ayon kay Baklang Maton, bago inasawa ni Lady Producer si jowa, natikman na niya ang gwapong assistant.

Nang humina ang low-budget sex movies dahil sa desisyon ng malalaking malls na huwag magpa­labas ng R-18 movies, isa si Baklang Maton sa mga nawalan ng kayod.

Kumbaga sa pagre-retrench sa trabaho, “last in, first out” ang Accidental Directors.

Sa latest hatid-ba­lita ng mga nag-aabalang tuklasin ang kinahinatnan ng mga kasamahan sa industriya, balik si Baklang Maton sa linyang kayang-kaya niya… beauty parlor business sa sarili niyang lalawigan.

Tuloy ang pakikipagtsika niya sa mga gustong magpagandang clients na mahilig sumagap ng bonus na tsismis tungkol sa mga artista, mula sa lehitimong insiders.

May pasabi kamakailan si Baklang Maton na nami-miss na niya ang showbiz kaya baka magbalik siya sa pagdidirek, lalo na’t marami siyang mayayamang suki ng kanyang parlor na gustong mamuhunan sa low-budget indie movies.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s