JULIA MONTES : KIRIRAY?


DOMINIC REA WRITES : MATAGAL nang isyu kay Julia Montes ang attitude nito. Hindi lang minsan naisulat kundi maraming beses nang naisulat ang attitude problem ng sumisikat na aktres ng top-rated series na Mara Clara na magtatapos na ngayong June 3.

Sa thanksgiving presscon na ipinatawag ng ABS-CBN ay sinagot din sa wakas ni Julia ang isyung ipinupukol sa kanya kasabay ng isang pagbubunyag ng isang taong malapit sa kanya na masakit din daw magsalita ang papasikat pa lang na aktres. Tulad na lamang daw ng isyung nagsalita itong hayaang mamuti ang mata ng ilang fans nila sa kahihintay sa kanya upang magpa-autograph!

“Hindi po ako ganoon.Wala po akong matandaang mayroon po akong sinabing ganoon. Sa totoo lang po, as much as possible po ay gusto namin silang lahat mapagbigyan. Minsan naman po kasi, nagmamadali rin kami.

“Basta wala po akong sinasabing ganoon sa kanila dahil kung hindi po sa kanila ay wala po kami ngayon dito ni Kathryn (Bernardo),” depensa pa ni Julia sa sarili.

Kung kani-kanino nali-link ang young actress. Unang bumungad ang isyung panliligaw umano sa kanya ni Sam Milby.

“Hindi ko nga po alam kung bakit po nagkaroon ng ganoong isyu sa amin. Hindi po totoo ‘yun. Nagkikita lang po kami sa ASAP at ‘yun lang po ‘yun,” depensa pa niyang muli.

Nilinaw din ni Julia ang isyung nagkakamabutihan na rin daw silang dalawa ngayon ni Enchong Dee.

“Basta kami ni Enchong po ay magkaibigan lang po talaga! Hanggang doon lang po muna kami. Sa ngayon po, mas priority ko po ang trabaho ko, lalo po ngayong maraming blessings na rin po ang dumarating sa akin. Family ko po, sila ‘yung priority ko po,”aniya.

Ginagawa na rin ngayon nina Julia, Kathryn , Albie Casiño. at Sam Concepcion ang pelikulang pagtatambalan nila mula sa bakuran ng Star Cinema na wala pang               title.

Nagpahayag naman si Julia ng kanyang panghihinayang sa dahilang si AJ Perez dapat ang kanyang katambal sa naturang pelikula at hindi si Sam.

“’Yun nga po eh, kahit paano po ay nanghihinayang din po ako dahil siya po talaga ‘yung makakasama ko dapat sa pelikula naming ito. Pero ang aga po niyang nagpa-alam, sayang po talaga,” aniya.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s