BLIND ITEM : WORK+PLEASURE= MOVIE???


ADELA H. WRITES : UGALING-Pinoy ang ­nepotismo, ang pagbibi­gay ng preference sa ating mga kadugo… trabaho man o anong pabor.

Sa negosyong ipinundar ng pamilya, mga kapamilya ang binibigyan ng key positions maski kapos sa qualification ang kadugo.

Itong not-so-young Lady Producer ay isang halimbawa ng taga-pelikulang ang motto ay, “Kapamilya muna bago ang iba!”

Nang lumaon, mas na­ging specific ang panuntunang ito, “Asawa muna bago ang iba!”

Mahilig sumabit si Lady Produ sa mga pamil­yadong Papa. ‘Yung una niyang papa ay miyembro ng production staff ng small films na ginagawa ng production outfit na ipinundar ng kanyang inang workaholic at masinop sa trabaho.

Hindi mahilig sa showbiz ang kanilang ama, kaya solo ng kanilang ina ang napakaraming trabaho sa film production.

Si ama ay tagagastos ng katas ng pinaghirapan ni inang executive producer.

Nang pumanaw si inang executive producer, si Lady Producer at mga nakababatang kapatid ang nagpatuloy ng ipinundar ni ina. Si ama, na hindi napaghandaan ang pagsalo sa pamanang kabuha­yan ng yumaong asawa, ay nag-take over sa katawagang Executive Producer, maski wala siyang kaalam-alam, at hindi interesado sa showbiz.

Aral si Line Produ­cer sa Film Production School of Pagtitipid, at u­nang nagtrabaho sa ibang mainstream outfits na orig version ng indie movies.

Nang yumao si ina, sa sariling production outfit na nag-focus si Line Producer.

Slave driver si Line Producer sa mga tauhan. Mahigpit sa pera at may kakatihang taglay.

Hard-worker to a fault… kuripot-to-the-max.

Makati to an unfor­givable level, na maski ang payo ng magulang ay sinusuway kapag puso na ang sangkot.
Na-in love si Line Producer sa gwaping na member ng staff, isang assistant director na dala ng matinding ambisyon ay nagpa­kasal kay Line Producer.

Kapalit ng pagpapa­kasal na ito ay ang break na pinakakaasam-asam… ang pagdidirek.

Ill-prepared si Papa sa pagdidirek kaya after one trial movie, natauhan si Papa sa kanyang limitasyon.

Tininalikdan niya ang directorial job pati na ang asawang nagbigay sa kanya ng undeserved break.

***

Isa pang strong quality ni Line Producer ay ang mag-move on kesa maglupasay over a love lost.

Maraming assistant directors (AD), production managers (PM) o directors of photography (DOP) sa naghihingalong movie industry, na willing and able pawiin ang uhaw ni Lady Produ kapalit ng key position sa production staff.

Ilang sex-oriented films lang, meron na namang bagong papa si Line Producer — isang poging assistant cameraman (AC) na very sweet sa gay art department staff.

Naglaway-laway rito si Line Producer.

May ka-live-in na Japayuki si Papa Asst. Came­raman pero wala sa Pilipinas. Nasa pa­ngangalaga ni Papa AC ang anak nila ng Japayuki.

‘Yun ang predicament ni Papa AC. Paano niya ipapaliwanag kay Mama Japayuki ang pakikisama kay Lady Produ?

Bahala na. Nasa Japan si Mama Japayuki. Pag-uwi nito sa Pilipinas, saka siya puproblemahin ni Papa AC.

Meantime, para mai-promote si Papa AC sa pagka-full-fledged Director of Photography, pinakiusapan ni Line Producer ang current resident director ng kanilang kumpanya.

“Direk, i-try mo naman si Papa AC sa next project mo… Magaling siya.”

Sagot ni Resident Director, “Okay naman ang ating resident DOP.

Maswerte ang aming tambalan. Sanay na ako sa kanyang bilis at taste.

“Sa ibang director mo na siya pagpraktisin…”

Siniraan ni Line Producer si resident DOP. Kesyo kung anu-ano ang sinasabi nito laban kay Re­sident Director.

“Kahon pa rin!” ang sigaw ni Resident Director.

Dalawang magkasunod sanang pelikula ang naka-line up para kay Resident Director pero habang nagpu-post production siya sa unang pelikula, nilapitan siya ni Line Producer.

“Direk, habang nagpu-post-prod ka pa, pasingitin natin si Direk B (dating in-house director nina Line Producer), ha?” malam­bing na hirit ni LP.

Madaling kausap si Resident Director, kaya nakasingit si Direk B. Ang DOP niya, syempre si Papa AC!

Nagkasunud-sunod ang pelikula ni Direk B with Papa AC as full-fledged DOP.

Hindi na muling naka­gawa ng pelikula kay Line Producer si Resident Director.

Ilang buwan pa, sumemplang sa takilya ang mga pelikula nina Direk B, Papa AC at Line Producer.

Bumalik si Mama Japayuki mula Japan. Bumalik si Papa AC sa piling ng original Mama.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s