AMAYA


MARIAN RIVERA is AMAYA (photo:GMA)

Last Saturday nang napadaan si Popo San Pascual kasama si DRANREB BELLEZA sa aming pawid sa Los Baños Laguna; hindi magkamayaw si Reb sa kanyang mga katanungan ukol sa nakatakdang epicserye ng GMA na AMAYA. Kinukwestyon niya ang authenticity nito at kung ano ang relevance pa na mahihita mula sa nasabing lead starrer ni MARIAN RIVERA.  Wala namang masyadong masabi si Dr. Joji Roquia , isang Philipinologist/Anthropologist dahil ang sabi niya ay malamang na ‘inspired’ by an event lamang ito ginawang fictionalize na lamang to suit the limitations of the medium.  Well, heto at may nahugot akong item tungkol dun and I hope it eases Dranreb and those who are in quandary as to whether AMAYA is what it should be even a bit:

Kara David/FRJimenez, GMA News REPORTS : Isang sinaunang tradisyon na nanganganib nang mabura sa isipan ng mga Pilipino, at naitampok sa programang I-Witness, pitong-taon na ang nakalilipas ang naging inspirasyon sa paglikha ng kwento ng pinakaaabangang epicserye sa GMA 7, na Amaya.
Taong 2004 nang akyatin ni GMA News reporter Kara David ang mataas na kabundukan sa Capiz upang hanapin ang itinuturing mga “huling prinsesa” ng tribung Panay-Bukidnon, na kung tawagin ay mga “binukot.”

Ang tradisyon ng “binukot” ay pagpili ng mga pinakamagagandang babae sa isang tribu. Ihihiwalay sila sa mga “karaniwang” dilag, aalagaan, ‘di hahayaan na maarawan, o kahit makatapak sa lupa, at ituturing mga prinsesa.

Sa isang liblib na kabundukan sa Capiz natagpuan ni Kara ang itinuturing mga “huling prinsesa.” Pero dahil napapabayaan na ang tradisyon na ito ng mga Pilipino na nagsimula bago pa man dumating ang mga mananakop na Kastila, isang matandang “binukot” na ang kanyang natadnan.

“Nung napanood ko yung documentary (ni Kara sa I-Witness) nakita ko may binukot, may ganitong kultura. Because of that, nagkainteres ako sa kanila,” kuwento ni Suzette Doctolero, nagsulat ng kuwento ni Amaya.

Katulong ang dalawang historian mula sa University of the Philippines, isang taong sinaliksik at binuo ni Suzette ang kuwento ng epicseryeng Amaya.

Pitong taon makaraan ang istorya tungkol sa binukot na ginawa ni Kara, muling masasaksihan sa telebisyon ang misteryo ng mga binukot sa pamamagitan ng Amayana pangungunahan ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Ayon kay Suzette, panahon na para gamiting behikulo ang mga soap opera sa telebisyon upang magbigay ng edukasyon sa mga tao, at hindi lang para magbigay ng aliw sa mga manonood.

“Its about time na ang soap ay maging vehicle din, ‘di lamang ng entertainment di ba, kundi naging educational na rin siya. Ito ay kwento…hindi basta kuwento lang na gawang-isip, kundi kwento ng kultura natin,” pahayag ni Suzette.

Ayon naman kay Kara, sa panahon na namamayagpag ang mga koreanovela at fantaserye, malaking sugal ang gumawa ng soap opera na tatalakay sa kultura at kasaysayan ng Pilipino.

Pero kung ito umano ang paraan upang maipaalala sa isipan ng mga Pilipino ang naglalahong sinaunang mga tradisyon, sinasabing sulit ang lahat ng hirap at sakripisyo sa paglikha ng kwento ni Amaya. – Kara David/FRJimenez, GMA News

By eklavumer Posted in tv

7 comments on “AMAYA

  1. kapal naman ng mukha ni dranreb badingdang na i-question as if naman may relevance ang buhay niya at ang kanyang pseudo-artistry.

    isa ka lang baklang minalas sa larangan ng showbiz. o diba boy timbog.

  2. @supremo1770, in fairness naman to dranreb he only questions the conceptual authenticity of ‘amaya’ and not of marian rivera.

  3. oo mama pero hindi pa natin malalaman kung based nga sa true story ang amaya or fictionalized. wala namang masama kung lalagyan ng fantasy and mythology ang isang story e. take the virgin spring ni ingmar bergman fiction siya pero realistic kaso may mga religious and pagan undertones in the forms of superstitions and the belief of older gods like Odin. sa film nga odin was represented as an old man with one eye.

    ganoon din sa seventh sign. nakitang nakikipaglaro ng chess ang isang medieval knight kay kamatayan.

  4. dranreb belleza? buhay pa ba siya? di ba naghihingalo na yan nang lumabas sa tv daming taon na nakararaan? yan yong childstar na naging bakla diba?

  5. no one tries to make sampal me…. I like comments good and bad. I don’t want a chuchuwariwariwap na mga fans. My fans think. And If I were a pseudo artistry then may I say I do not give a shit because you can not afford me to guest or make a movie. LAHAT tayo MAKAPAL and Kapalaran . At teak hindi ikaw and Sumpremo AKO!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s