IWA MOTO : EH , WA NA WORK!


TULUYAN nang tinanggal sa cast si Iwa Moto sa isang sitcom ng GMA, not because she’s emotionally unprepared for the role. Ang dahilan: umiwas na ang buong production staff na masundan pa ang kinasangkutang aberya ni Iwa that she had caused upon herself.

Nauna nang nagwala ang sexy actress nang itakbo ni Mickey Ablan ang kanyang cellphone, dahilan para ibaling nito ang galit sa nakaparadang sasakyan ng ex-dyowa. Na-pack up tuloy ang taping ng sitcom, leaving three unfinished scenes of Iwa.

Asang-asa na sana ang staff na balik-trabaho na si Iwa the next day, pero nabalita namang nag-overdose ito and had to be rushed to the hospital. Again, hindi  natapos ni Iwa ang remnants ng tatlong eksenang naumpisahan na niyang gawin.

Days later, kinailangan nang palibutan ng tarpaulin ng buong cast ng sitcom ang GMA. Nang  akmang ikakabit na ang tarp ni Iwa, the ones assigned to do the job got an urgent call from the production head: huwag na raw magpakapagod ang mga ito dahil tsinugi na si Iwa sa sitcom.RONNIE CARRASCO III

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s