AIZA SEGUERRA : GANID SA PERA?


BOY VILLASANTA WRITES: HINDI naman talaga mismong si Aiza Seguerra ang direktang kausap ng feministang manunulat na si Sol F. Juvida para sa isang natatanging pagtatanghal bilang pabenepisyo sa kapakanan ng kanilang bayang Calauag, Quezon kundi ang road manager ng singer at aktres.

Gayunman, nagdulot pa rin ito ng aberya sa maayos sanang daloy ng mga proyekto para sa kanilang lugar na sinilangan.

Kasi nga’y text nang text at tawag nang tawag si Sol sa road manager ni Aiza pero isang linggo na, ni ha, ni ho ay walang natanggap si Juvida na tugon mula rito samantalang simple lang naman ang pagsagot kung anong oras at saan ang puwedeng pulong kahit wala si Seguerra.

Kaya ang ginawa ni Juvida ay si Dick Seguerra ang tinawagan para paalalahanan ang kanyang anak na batang aktres at mang-aawit na pursigido ang mga asosasyon sa Calauag na magtanghal at maglikom ng mga pondo para sa kapakanan ng mga kababayan.

“Payback time ito para sa aming native town,” paliwanag ni Soledad, ang kumpleto at tunay na ngalan ni Juvida na isa ring book author at premyadong peryodista lalo na sa Palanca Memorial Awards for Literature.

Pero ang sabi naman ni Dick ay wala na silang pakialam sa singing at acting career ni Aiza dahil ang road manager na nito ang nag-aalaga sa anak.

Pero siyempre’y nakatulong din ang paglapit ni Sol sa ama ng mang-aawit.

Wala ngang kaginsa-ginsa ay sumagot ang road manager ni Aiza at nagtatanong kung ano ang eksaktong petsa at lugar ng tinatarget na pagtatanghal.

Kaya lang ay wala pa ngang kumpirmadong venue at petsa ang palabas dahil nais muna ni Sol na malaman ang mga kondisyon at pangangailangan ni Aiza kaugnay sa pagtatanghal.

Pero ngayon ay nagsasawa na si Juvida sa kanyang paghihintay sa takdang miting kahit na sa road manager ni Seguerra.

“Gusto ko na ngang pangaralan ‘yong kaibigan ni Aiza pero nagpigil na lang ako. Kasi, ano ba talaga sa showbiz? Pahirapan ba? Walang professionalism?,” tanong ni Juvida na nagsulat sa maraming magasin at pahayagan sa bansa.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s