BRIX FERRARIS : MISSING!


BRIX FERRARIS

Kabi-kabilang panawagan ang ginagawa ngayon ni AMY PEREZ sa asawang si BRIX FERRARIS  na sana ay lumutang na.  Matagal na rin kasing nagfile ng annulment case ang Face to Face Host para naman lumaya na ito at mapakasalan ang kinakasamang reporter ng ABSCBN.  Naging masyadong madrama ang mga pangyayari dahil ayaw ata ni Brix na maging bahagi ng proceedings kaya laging nabinbin ang mga kaganapan.  

Sa mga nakakaalala pa kay Brix, siya ‘yong boses dati ng SOUTH BORDER na hawig sa boses ni Michael Jackson. Nguni’t bago pa man siya sumikat sa bandang ‘yon, mayroon na siyang self-titled album sa OctoArts noong 90s.  I clearly remember interviewing Brix sa DWCD-FM nang ipromote nya  iyon.  I particularly liked the way he soul-ed up the tagalog numbers.  Payat , maitim pero charming ang dating ni Brix sa akin that time.  Kagagaling pa lamang nya noon sa pagkapanalo ng isang Sony singing contest sa Japan. Maayos siyang kausap at nalaman ko ring Ilonggo pala siya.  After that, the rest is history.  Nabalitaan ko na lang na asawa na pala niya si Amy later at nagkaanak. Tapos, ang masigalot na hiwalayan blues.

Lately, kinukwento raw ni Amy na violent ang epileptic attacks ni Brix. Kesyo kapag inaatake raw ito ay nananakit at naninira ng gamit.  This is rather interesting dahil ngayon lang ako nakabalita na mayroong ganitong fits ang isang epileptic episode. Marahil ay kakaibang syndrome meron si Brix na dapat ay i-address properly.  Nakakatawa nga at dinadaan pa sa blind item ang revelation ni Amy when in fact this can be discussed with an expert on the other end.

Hanggang ngayon ay MIA as in MissingInAction pa rin si Brix ; ayon sa kanyang official website , last siyang nagperform ay noong 2003 pa! Nasaan na kaya si Brix?  Kung sino man po ang nakakaalam sa kinaroroonan o kinahinatnan ni BRIX FERRARIS , pakisuyo pong mag-comment lang sa baba para matapos na ang paghihirap ni Amy Perez!

eKLAvUMER

By eklavumer Posted in dighay

2 comments on “BRIX FERRARIS : MISSING!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s