ALJUR ABRENICA : ‘ODORLESS’ AS IN ZERO APPEAL!


Ano nga kaya ang nangyayari sa ilang mga artista na nagkaroon ng malaking pangalan nguni’t sa malaon ay halos di na kapansin-pansin? Ito na nga kaya ang tinatawag na natural shedding; o yaong hindi dapat kusang nawawala sa mapa ng ating panimdim?  This is quite alarming dahil napakalaking pera ang inilalaan ng mga network, productions at talent managers upang i-push ang isang baguhan towards stardom.  Ganito na nga kaya ang nangyayari kay ALJUR ABRENICA? Makaraang tilian at halos sambahin ang kanyang imahe at pangalan dahil sa biglaan nitong pagsikat sa pamamagitan ng star search sa GMA, heto at halos kakarampot na ang pumapansin.  Maraming nanlamig sa paghanga sa kanya makaraan nilang malasahang kay iksi ng hangganan ng kanyang appeal.  Una, hindi siya maayos mag-dialogue.  Mapapansing may speech defect ang binata.  Uungol muna bago makapagsalita. Pangalawa, masyado siyang conscious sa kanyang mukha; yaon bang parang lagi siyang nagpapakyut at anyong nasa harap ng salamin lagi.  At pangatlo, kumupas na bigla ang kanyang brilyo at appeal sa tao.  Pinilit na nga ng mother network nya na bigyan siya ng kabi-kabilang exposure at loveteam pero ang lahat ng ito ay halos nauuwi lang sa wala.  Nariyan uli siya sa remake ng isang remake na mula sa isang mythical ek-ek na kwentong MACHETE na harinawang makakapag-revive sa interest ng tao sa kanya pero from the looks of it the boy has totally lost it.  Again, dahil boring at hindi na exciting ang kasaysayan ng kahoy na naging tao; mas grounded ang focus ng masang manonood sa mga makatotohanang drama at aksyon sa buhay.  But then sana naman ikasisikat niya ito uli.  Sige lang, Aljur, go, go, go!

CHLOE FERRER

By eklavumer Posted in dighay

One comment on “ALJUR ABRENICA : ‘ODORLESS’ AS IN ZERO APPEAL!

  1. uu nga. baket ganun? wafu, ganda wankaters pero byobyo yumarte? sayang… galeng nyo miss ferrer, napakatumbukera po ninyo.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s