Q&A , DAHAN-DAHAN NATING KILALANIN si ADRIAN SEBASTIAN!


Sa tuwina, may mga bagong mukha na sumusulpot sa mundo ng pelikula. Sila ay nagpapadagdag ng ningning at kulay- mga panibagong hamon at feeling of excitement. Sa pelikulang TAKSIKAB ng ASTRAL PRODUCTIONS at mula sa direksyon ni Archie del Mundo , makikita ang pag-usbong ng isang panibagong mukha. Maamo. Sensuwal. Magaling. Pinoy na Pinoy ang dating.   Siya si Adrian Sebastian (Deidre Angelo dela Cruz sa totoong buhay) na introducing sa pelikulang nabanggit. Pinasyalan siya namin sa resort ng mga dela Cruz, isang kilalang angkan sa bayan ng Bustos, Bulacan.

Paano ka na-discover sa mundo ng showbiz, Adrian? How did it all start?
Noong sumali po ako sa Mr. World 2010 competition. Isa po ako sa 12 finalist ng nasabing patimpalak pero hindi po ako pinalad na makasama sa 5 finalist dahil sa biglaan lang ang pagsali ko kaya wala akong gaanong preparasyon para makapag work out sa gym dahil during that time eh medyo mataba po ako ng kaunti. Nakita po ako ang producer ng ASTRAL Productions na si Ding Buenaventura na nagkataon na kaibigan siya ng pinsan ko. Sinabihan po ako ng producer na may pa-audition sila sa gagawin nilang indie film na TAKSIKAB. Kaya noong unang audition nila eh nagpunta ako para mag-audition sa papel na BOJONG at pinalad naman po ako na makasama sa casting ng TAKSIKAB.

Anong paghahandang ginawa mo para sa maselang role sa TAKSIKAB?
Bago po mag-umpisa ang taping / shooting nila eh umattend po ako ng one on one acting workshop sa kilalang international / local actress na si Ms, Marife Necessito. Binigyan po ako niya ng mga basic tips kung paano ang tamang pag-arte ayon sa role na aking gagampanan sa nasabing penikula. Ang galing po niyang magturo kaya mabilis po niya akong napa-arte.

Hanggang saan ang paghuhubad mo sa TAKSIKAB?

Actually po hindi naman ako naghubad sa nasabing penikula pero may isang maselang eksena kami ni Kristopher King na first time kong ginawa sa kapwa ko lalake. Kung ano man po iyon eh dapat po nilang panuorin ang buong penikula para malaman nila at makita ang maselang eksena.

Anong nararamdaman mo sa biglaan mong pagsikat?

Actually po eh nag-uumpisa palang ako sa larangan ng indie pelikula at marami pa po akong dapat malaman at matutunan. Ito po ang kauna- unahan kong indie film kaya para sa akin eh hindi pa ako sikat kumpara sa napakaraming sikat na aktor sa ngayon.

Ano-ano pa, Adrian ang mga plano mo sa iyong career?

Baka po sumali pa ako sa iba’t ibang acting workshops para po malaman at matutunan kong lahat ng sagayon eh lagi akong handa sa mga susunod ko pang gagawin na penikula at depende din po kung may makakapansin sa aking ibang producer at direktor maliban sa ASTRAL Productions.

Sa hinaharap, sino sa mga sikat na actor at actress ang gusto mong makatrabaho sa isang pelikula?

Sa lalake po eh si Dingdong Dantes dahil magaling at mahusay siya. Natural lang po ang pag-arte niya sa camera. Sa babae naman po eh si Kim Chiu dahil minsan ko na syang nakita sa isang restaurant sa Tomas Morato. Nasabi ko sa sarili ko noong makita ko sya na sana dumating ang panahon na makatrabaho at makasama ko siya sa isang pelikula dahil sa bukod sa maganda eh mahusay pa siyang actress.

Last question, Adrian. Kung papipiliin ka ng isang role na gusto mong gampanan, ano ito at bakit?

Gusto ko pong gampanan ang isang action star kasi gusto ko po na may mga eksenang fight scenes sa penikula. At sa palagay ko ay bagay sa akin at akma sa aking pagkatao. Gusto ko po yung mga ma-aaksyong eksena.

So there. Isa na namang may “K” na nilalang ang handang magpakita ng kanyang talento sa pag-arte at pagganap sa pelikula. Marami ang nagsasabi, napakagaling niya sa pelikulang TAKSIKAB. Bilang isang baguhan, agad siyang nakagawa ng magandang atensyon sa mga nakatrabaho niya sa pelikulang nabanggit. Ang karir ng binatang Bulakenyo ay nasa pangangalaga mismo ni Ding Buenaventura , ang producer ng TAKSIKAB. Sa malao’t sa madali, sa tamang sangkap ng pagtitiyaga at paglinang ng kanyang talento hindi malayong mangningning sa mundo ng pelikula ang pangalang : ADRIAN SEBASTIAN!

eKLAvUMER

5 comments on “Q&A , DAHAN-DAHAN NATING KILALANIN si ADRIAN SEBASTIAN!

  1. wow taga-bulacan pala siya! nanay ko purong bulakenya! i’m so proud of being a bulakenyo and chavacano!

  2. Pingback: RE-INTRODUCING ADRIAN SEBASTIAN | ALIWAN AVENUE

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s