Marami nang pelikulang tumatalakay sa kasaysayan at buhay ng mga nilalang na nasadlak sa kriminalidad, nahuli at naparusahang mapiit sa bilangguan. Marami na ring pagtatangkang bigyan ng bagong pananaw ang mundo sa loob ng rehas na bakal at bagama’t masasabi na matagumpay namang naitatawid ang mga ito; marahil wala nang titingkad pa sa kaganapang PRESA sa dyanrang ito. Tampok ang maigting na pagganap ng isang ANITA LINDA bilang Cion, asahang dadanak ang pagpupuyos ng loob sa bawa’t eksenang babalot sa kabuoan nito. Hindi matatawaran ang grupo ng mga artistang kasama dito. Nariyan sina Tetchie Agbayani, Perla Bautista, Angeli Bayani, Ina Feleo, Liza Lorena, Cherry Madrigal, Daria Ramirez, Jodi Sta. Maria,at Rosanna Roces upang ihandog sa mga manonood ang kakaibang karanasang matutunghayan sa pelikulang ito. Nasa direksyon ito ni Adolfo Borinaga Alix , Jr. ; ang sinasabing isa sa mga pinakapipitagang direktor ng kanyang henerasyon, kung kaya lalong nagiging kapanapanabik na panoorin ang PRESA. Ang pelikula ring ito ay tampok sa Official Selection, Indie Section – Metro Manila Film Festival 201o. Ito ay isang produksyon ng ASTRAL PRODUCTIONS nina Nestor Clarin, Marisol Bernardo, at Ding Buenaventura.
eKLAvUMER