ARCHIE DEL MUNDO : BAGONG SIBOL NA DIREKTOR SA PANIBAGONG DEKADA AT PAG-ASA!


TAKSIKAB DIRECTOR ARCHIE DEL MUNDO

 

Napakasimpleng tao nitong si ARCHIE DEL MUNDO.  Hindi mo masisilipan ng kashowbizan sa katawan.  Wala rin sa kanya ang malalaking galaw na kapansin-pansin sa mundong kanyang ginagalawan ngayon.  Para lang siyang pamangkin mo sa probinsya na laging naroon upang ikuwento sayo ang kaganapan sa kapaligiran at tiyaking ikaw ay kanyang naaasikaso sa abot ng kanyang makakaya. Ganyan lang si ARCHIE, pero kung tutukuyin mo mismo ang lalim ng kanyang mga panininimdim , manggigilalas ka sa talas ng kanyang pagpuna sa takbo ng kasalukuyang panahon.  Tubong Cabuyao at nagpakadalubhasa sa literatura sa U.E. Graduate School.  Trenta’y dos na siya at ngayon ay namamayagpag bilang isang auteur sa mundo ng INDIE FILMS.  Marami na siyang mga obrang nailuwal at ilan sa mga ito ay ang PENDONG, BROD, DETEKTIB, PENE at ang box-office wonder na BEN&SAM .

Hindi matawaran ang sigasig ng batang-batang henyo dahil ngayon nga ay nakalaan nang mapanood ng madlang ‘Pinas ang kanyang kauna-unahang directorial outing na “TAKSIKAB”.  Masalimuot kung tutuusin ang tinatahak ng kuwentong kanyang nilila dahil  inaangkop dito ang kontemporaryong kalakaran ngayon sa ating lipunan at buhay-pulitika.  Matalinghaga niyang pinagtagpo ang maselang pagbalangkas ng sekswalidad bilang pangunahing sangkap na pagbabatayan ng mga iikot na mga pangyayari sa loob lamang ng isang araw.  Tagpi-tagpi at sumisilip sa gulagulanit na katuturan ng makamasang katotohanan; bawa’t tauhang tatawid sa kamera ay maglalahad ng kanya-kanyang amoy at uri na babalutin sa pamamagitan ng pagpara, pangbiyahe, at paghimpil ng taksi na minamaneho ng pangunahing tauhan nya.

Sadyang kapanapanabik na nga na mapanood ang pelikulang ito ni del MUNDO na malamang ay tatatak sa mapanuring panlasa ng mga progresibong manonood ng pelikulang Pinoy!

eKLAvUMER

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s