BLIND ITEM : ‘HIGAD NA NAGING TAO’


Iniinda pa rin ng male celebrity na ito ang pakikipaghiwalay sa kanya ng kanyang actress-girlfriend pagkatapos ng higit na pitong taon na relas­yon nila. Inamin nga ng male celebrity na sa lahat ng mga naging girlfriends niya ay sa naturang aktres siya talaga nahumaling.
Mga bata pa lang daw sila ay nagkaroon na sila ng kasunduan at inakala niya na mauuwi ang lahat sa pagpapakasal. Pero bigla nga raw nag-iba ang ihip ng hangin at nagulat na lang siya nang biglang kalasan siya ng aktres na pinakamamahal niya.
“Halos mabaliw si male celebrity,” sabi ng aming source na close kay male celebrity.
“Okey lang daw ‘yung mga away-bati nila. Ilang taon din silang ganyan. Pareho kasi silang pansinin ng ibang tao. Si aktres kahit na alam ng mga lalake na boyfriend niya si male celebrity, nililigawan pa rin siya. Si male celebrity naman, kahit na alam na karelasyon niya si aktres, lapit pa rin nang lapit ang mga girls sa kanya.
“‘Yun ang madalas na pagtalunan nila. Pareho kasi silang seloso at selosa. Pero malandi naman silang dalawa. Kapag may pagkakataon, nakikipagharutan sila sa iba.
“Marami na ang nagsabing walang mangyayari sa relasyon nila dahil pareho silang may bahid. Walang malinis sa kanila kaya hindi natatapos ang away nila na gawa naman nilang dalawa parati.”
Pero inamin ng male celebrity na noong pumayag makipag-live in si aktres sa kanya, tumigil na siyang makipag-flirt sa ibang babae. Naging seryoso na siya sa aktres. Pero ang aktres ang hindi mapigil ang kakatihan sa katawan.
“Sa tagal ng relasyon nila ni male celebrity, nakipag-fling pa ang aktres sa tatlong aktor. Mga nakatrabaho niya ang mga ito sa mga naging projects niya sa showbiz. Tiniis na lang ng male celebrity ang ginagawang iyon ng girlfriend niya dahil mahal niya ito. Ayaw niyang magsalubong ang galit sa kanila ulit. Pakiramdam niya kasi ay kapag nag-away sila ulit, sa hiwalayan na ito mauuwi.
Pero nangyari na nga ang hindi inaasahan. Nakarating na sa male celebrity ang sikretong relasyon ng kanyang girlfriend sa isang mas may edad na aktor. Tila seryoso na raw ang relasyon ng dalawa kaya nagawa niyang kumprontahin ito. Pinaamin niya ito tungkol sa relasyon nito sa ibang aktor. Umabot pa nga na nagkapisikalan sila dahil sa kakatanggi ng aktres sa mga tanong ni male celebrity.
Kinabukasan, pag-uwi nga ni male celebrity sa townhouse na pinagsasamahan nila ni aktres ay wala na ang mga gamit nito at iniwan na siya nito. Ni walang sulat o walang tawag man lang para magsabi na aalis na ito.
“Ilang weeks na hindi makausap si male celebrity ng pamilya niya. Parating nagkukulong sa kuwarto o ‘di kaya pupunta sa malayong lugar na mag-isa lang siya. Kinakatakot nga ng pamilya niya na baka magpakamatay ito dahil sa sobrang pagmamahal niya sa aktres,” kuwento pa ng source namin.
Pagkatapos ng ilang buwan ay nagawa nang mag-move on ni male celebrity at naging workaholic na ito. Parati niyang sinasabi na nalagpasan na niya ang kalungkutan at okey na siya.
Pero ayon pa rin sa mga kaibigan ni male celebrity na tuwing makikita niya si aktres sa TV ay bigla na lang itong tatahimik at mawawala na lang. Makikita raw nila itong mag-isa at nakatingin sa malayo.

Patunay lang na hanggang ngayon ay dala pa rin niya ang sakit na iniwan ng aktres sa kanyang puso.
At si aktres, hayun, ayaw pa rin paawat sa kanyang kakatihan!

RUEL MENDOZA

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s