MARY GRACE POE LLAMANZARES , NEW MTRCB CHAIRMAN : QUALIFIED SIYA NOH?


Maraming nagtaas ng kamay upang ipakita sa mundo ang kanilang kilikili at ganun na rin sa kanilang pagsang-ayon sa pagkakapili ni PNoy kay Mary Grace Poe Llamanzares bilang MTRCB Chairman.  Iilan rin ang diumano ay nagtaas ng kanilang mga nilapisang kilay sa kadahilanang wala rawng alam ang ampon ng mag-asawang Ronnie at Susan sa iniaatang na trabaho sa kanya.  Hindi lamang natin matukoy kung sino ang mga ‘diumanong’ ito dahil alam naman ng lahat na kadikit ng kanyang buhay ang industriya ng pagkukunwari.  Hindi lamang malinaw kung ano ang mga naging propesyunal na batayan upang mapili siya.  Edukada si Mary Grace at matino sa lahat ng anggulo ng kanyang buhay.

Ang hindi lang matanggap ng masang Pilipino ay ang katotohanang hindi siya nanggaling sa sinapupunan ni Susan Roces.  Malupit rin kasi ang kultura ng mga tagahanga dahil alam nilang ni isa ay hindi nagdalantao ang sinasamba nilang Queen of Philippines Movies.  Sana noon pa man ay pinaalam na sa madla kung sino ang bayolohikal na magulang ni Mary Grace nang sa gayon ay matutunan siyang tanggapin at mahalin ng mga haling fans ng pinalakang tabing.

Harinawang magkaroon ng katuturan ang kanyang pag-upo sa board at mapanatag na ang isyung bumabalot sa aspetong teknikal ng pagkaklasipika ng mga yaring pelikulang Pinoy.  Malamang , matino ang kanyang magiging tindig sa mga dapat at hindi dapat mapanood ng mundo!

eKLAvUMER

By eklavumer Posted in dighay

One comment on “MARY GRACE POE LLAMANZARES , NEW MTRCB CHAIRMAN : QUALIFIED SIYA NOH?

  1. d sya qualified noh! appoint lang sya dahil sa palakasan system. malakas ang kanyang madir na si Ms. Susan kay Chiz at Kris. Yon na!

    mas maraming better qualified sa kanya. ang kanyang connections made the difference.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s