SHALANI SOLEDAD, WALANG KASHOWBIZ-SHOWBIZ SA KATAWAN!


Sino kayang may kulani sa sakong ang nagbigay ng ideya kay SHALANI SOLEDAD na tanggapin ang hosting job bilang katuwang ni WILLIE REVILLAME sa WILLING WILLIE ng TV5?  Halatang di gasinong pinag-isipan at bigla na nga lamang na sumulpot siya sa nasabing show.  Marami kasing haka-haka na si Venus Raj ang napusuan ni Willie but to the chagrin of the better world, si Shalani nga ang lumutang.

Si Shalani na animo’y di makapatay-lamok-o-ilaw ang kahinhinan. Si Shalani na ginawang campaign girlfriend ni Noynoy, si Shalani walang kamuwang-muwang ang dating na kahit na tumatawa ay parang naiiyak pa rin.  Sa kanyang halos dalawang linggong pagkababad sa pang-gabing variety show (na title lang ang nabago at wala na ang mga mukhang pokpok na co-hosts) ay hindi siya napagkakitaan ng pagbabago.  Consistent lang talaga ang kanyang pagka-zombie sa buong show.  Kahit na nga pinapahagingan siya ng kabastusan at kalaswaan ni Willie ay ngiting-daga lang kanyang mga iginagawad.  Halatang matinong tao si Shalani at di hamak na mas may breeding siya kaysa diumano’y muntik na nyang maging hipag na busalsal ang bibig.

Mayroon ding mga sabi-sabing kinuha na raw nyang manager si LOLIT SOLIS para sa kanyang napipintong pag-aartista. Pagnagkataon, mauuso na naman ang under-the-carpet acting na siyang nababanaagan mula sa magandang konsehala ng Valenzuela.

eKLAvUMER

By eklavumer Posted in dighay

2 comments on “SHALANI SOLEDAD, WALANG KASHOWBIZ-SHOWBIZ SA KATAWAN!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s