BATIBOT BABALIK NA VIA TV5!


ISA ako sa natuwa nang malaman kong mapapanood na ng makabagong kabataan ang pinakapopular at natatanging programang nakintal sa isipan ng ilang henerasyon ng batang Filipino, ang Batibot.  Ihahatid ng TV5 at Philippine Children’s Television Foundation, Inc. (PCTVF) ang programa simula Sabado, Nobyembre 27, 8:30-9:00 ng umaga.

Mahigit isang dekada matapos ang labing-walong taong pamamayagpag sa ere, ipagpapatuloy ng Batibot ang naiibang paraan ng pagtuturo sa mga bata sa bago nitong tahanan sa telebisyon, ang TV5. “Ang Batibot ang tugon natin sa panawagan para sa matalinong programang pambata sa telebisyon. Habang patuloy ang paghahatid ng TV5 ng mga palabas na akma sa mga bata, kailangan din ng programang tutulong sa paghubog sa kanila. Ibinabalik natin ang Batibot para ituloy ang paglinang sa mga bata ng bagong henerasyon,” ayon kay Roberto Barreiro, Executive Vice President at Chief Operating Officer ng TV5.

Dadalhin ng programa ang mga bagong Batang Batibot sa mundo ng kuwela at eskuwela. Gagabayan din nito ang mga bata sa pamamagitan ng research-based developmentally-appropriate curricula na siyang huhubog sa kanilang paglaki. Sina Kuya Fidel (Abner Delina) at Ate Maya (Kakki Teodoro) ang bagong makakasama ng mga bata sa pagtuklas ng mga mahahalagang konsepto at ideya.

Ibinabalik din ng most-awarded children’s show ang mga karakter na tumatak sa puso ng ilang henerasyon ng mga kabataan. Tiyak na mapapamahal ang mga chikiting kina Ningning at Gingging, ang magkapatid na muppet na mabuting ehemplo ng pagpapahalaga sa emosyon at relasyon sa kapwa. Gamit ang kanyang “perlas na bilog,” susubukan sagutin ni Manang Bola ang mahahalagang tanong ng mga bata. Samantala, gagabayan ni Kapitan Basa ang mga nagsisimula pa lang bumasa sa makulay na mundo ng salita at kahulugan.

Ipakikilala rin sa modern-day kids ang iba’t ibang sining at makabagong paraan ng storytelling. Mas magiging kapana-panabik ang mga kwento gamit ang virtual set na ihahatid ng leading media production outfit na Unitel Productions.

Samantala, asahan ang makabagong Batibot na magtuturo ng mga kaalamang kailangan ng makabagong henerasyon. “We’re making sure that every show’s episode is relevant to what the kids need today. The show focuses on essential life skills that children need to learn as they grow in an increasingly complex and fast-changing world,” ayon pa kay Feny de los Angeles-Bautista, executive producer ng programa.

Magigising ang mga manunood sa himig ng original theme song ng Batibot (musika ni Louie Ocampo, lyrics ni Rene O. Villanueva at arrangements ni Mel Villena).Bahagi rin ng Creative Team ng programa ang mga laking-Batibot na sina DirectorKokoy Jimenez, Producer/Director Lem Garcellano, Chuck Escasa, Andy Cawagas at Production Designer Dwight Gaston. Mas kaabang-abang din angBatibot 2010 dahil kasama sa pagbuo rito ang mga grupo ng mga kabataan mula sa iba’t ibang larangan. Parte naman ng Animation

Team ang mga nagbabalik na sinaWayie Canoy at Andrew Villar, at mga Upper School at High School students ng Community of Learners.  Magbabahagi naman ng husay sa sining at animation ang mga artistang lumaki sa impluwensya ng Batibot; sina Nono Ignacio, Keni Ken atRommel Estanislao.

Maghahatid ng saya at karunungan ang Batibot tuwing Sabado, 8:30-9:00 ng umaga. Abangan din araw-araw ang 5-minute daily educational shorts sa istasyong nagpapahalaga sa bawat bata, TV5.

MARICRIS NICASIO

One comment on “BATIBOT BABALIK NA VIA TV5!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s