PAULO AVELINO : TO BARE OR NOT BARE


Maraming mga indie film artists- actors, directors and staff, supporting players and the likes- ang nagulat at medyo nasorpresa sa pagdating minsan ni Paulo Avelino sa isang audition para sa isang indie film na very sexy ang tema. Tumaas ang kilay ng ilan, tila na-threaten sa pagdating ni Paulo sa audition na yun- nagtataka, nagtatanong. Eh, hubaran to the max yung audition ng indie film na yun na ukol yata sa tatluhang triyanggulo na ritwal sa kama! A-hay! Si Paulo Avelino, maghuhubad na sa pelikula? Tanong ng karamihan na dumating sa audition na yun.
In case you don’t know kasi, Paulo belongs to the “mainstream” world in the field of Philippine entertainment industry. alaga siya ng channel 7. May regular na fantaserye sa istasyon na yun. Very wholesome ang image, very clean-cut. Sosyal ang dating. an then, all of a sudden, biglang lilitaw sa audition ng isang very sexy indie film?! WTF ?
Ang bali-balita kasing umuugong ngayon sa apat na sulok sa daigdig ng telebizyon, tila hindi yata happy si Paulo sa ginawang pagma-manage sa kanya ng Talent Center ng channel 7. Okey na sana yung binigay sa kanyang break na “Panday Kids” bilang original na Panday at siya ang pumalit kay JC de Vera na lumipat sa channel 5. Ang lakas ng feedback kay Paulo after that. Ang lakas ng dating niya. Tipong titilian mo siya. Then, all of a sudden, ginawa na siyang kontrabida. To think, napakabat pa niya para maging isang kontrabida! Isinabak agad sa character roles ang kaguwapuhan niya. samantalang sina dingdong dantes at richard guttierz na nagsisitandaan na , aray ko, di -hamak namang mas refreshing at mas guwapo si Paulo keysa sa kanila. ano ba yan???
Kaya hayun, may mga talent managers na naaawa ngayon kay Paulo. ang gusto na lamang yata ng channel 7, magkaroon ng co-management deal as to whoever will want to manage Paulo. New management strategy, at ang kasabay nito, new image for Paulo Avelino? Like maghuhubad na rin ba siya sa mga indie films?
“Definitely, Paulo is not going sexy, hindi papayag ang channel 7”, sey ng isang insider na taga-Siyete. “Paulo is sticking to his wholsome image. That we can guarantee!”
Pero ano ang ginagawa ni Paulo sa audition na yun ng isang hubarang indie film?
“Baka napadaan lang siya dun”, sabay taas pa ng kilay ng insider sa channel 7, sabay ganting-tanong sa writer na ito. “Ewan namin, hindi namin alam yan. Sino ba ang nagdala kay Paulo sa audition na yun?”
Right now, everybody’s left with a big question mark: Will Paulo go sexy or not? Abangan ang susunod na kabanata!

ROBERT SILVERIO

One comment on “PAULO AVELINO : TO BARE OR NOT BARE

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s