MARIAN RIVERA, LOVI POE, CARLA ABELLANA & POKWANG STARRING SA REMAKE NG ‘TEMPTATION ISLAND’!


Matuturing na ring isang Pinoy film classic ang pelikulang “Temptation Island”  na ginawa ng Regal Films nu’ng mid-80’s. Naaalala pa namin, isa kaming highschool student noon sa San Sebastian College nu’ng panoorin namin ang pelikulang ito sa isang sinehan sa Recto Avenue. Nag-cutting classes kami at tumakas sa guwardiya ng aming exclusive school para lang mapanood ang pelikulang ito na pinilahan talaga ng mga estudyanteng lalaki sa Recto (kaya naman namin pinanood ay dahil sa kadahilanang iyan, hindi dahil sa mga nagseseksihang bida ru’n sa pelikula. Haha!) at talaga namang isang blockbuster movie ng Regal Films noon. Ang naaalala naming mga bida dun ay sina Jennifer Cortes, Azenith Briones, Dina Bonnevie at Deborah Sun (may kulang pang isa, Mama Eklavumer, hindi ko na maaalala)Hello? i-google mo! How could you forget BAMBI ARAMBULO??? hahaha- eKLA. Ang movie ay ukol sa mga babaeng na-stranded sa isang island nu’ng mag-plane crash sila (HINDI PO SILA PLANE CRUSH SURVIVOR… NASHIPWRECK sila after a fire!  Ibang Temptation Island ‘ata napanood mo Robertita! hahaha-eKLA pa rin). Drama-comedy ang plot ng movie. (si JOEY GOSIENGFIAO ay nakilala dahil sa kanyang CAMPY FILMS… eKLA uli)
At ngayon, after more than two decades, muling isasapelikula ang “Temptation Island”! Bale magkakaroon ito ng remake at nagpa-finalize na ng casting coup. Aligagang-aligaga ang apat na talent managers (we cannot mention their names for delicadeza reasons) na “brainheads” ng mga movie projects ngayon sa Regal Films kung sino-sino pa ang ibang mga male cast at supporting players na isasama sa pelikula. Pero as of presstime, the biggest news about this project is the inclusion (finally and definitely) of Miss Marian Rivera to join the five female top leads of the movie!
“Yes, definite na, kasali na talaga si Marian sa remake ng pelikulang Temptation Island”, sey ng isang staff ni Mother Lily Monteverde ng regal Films. “At tuwang-tuwa nga si Mother Lily dahil more than two weeks din bago nagbigay ng kasagutan ang kampo ni Marian. Buti na lang, naging mabait ang GMA artist center at muli nilang pinahiram ngayon si Marian kay Mother Lily. She will join Lovi Poe (one of the first female leads na na-cast sa project na ito), Carla Abellana and Pokwang (na naging mabait din ang channel 2 at pinahiram kay Mother Lily) as one of the top female cast. Ang ganda ng casting, no? Panalo!”
Isang babae na lang ang kulang. Yun yatang character ni Dina Bonnevie sa original Temptation Island. Lima kasi silang lahat duon. Final na nga talaga sina Marian, Lovie, Carla at Pokwang. isang babaeng artista na lang at kumpleto na ang casting. Si Pokwang, siya yung gaganap sa role ni Deborah Sun na isang dakilang alalay sa original film. Si Lovi Poe naman ang gaganap dun sa role ni Jennifer Cortez na isang beauty queen na mataray at laging nilalait si Pokwang. Kaya tiyak niyan, pinaka-kuwela sa lahat ang mga roles dito nina Lovi at Pokwang.
“Hindi magpapatalbog, for sure si Lovi Poe kay Marian Rivera sa movie na ‘to”, sey ng isang makeup artist. “Parehong sweet na may mataray image sina Marian at Lovi. kaya dapat lang na magsama din sila sa isang pelikula. Naku, tiyak na blockbuster ang remake na ito ng Temptation Island pag nagkataon!”
Kaya abangan natin! At sino-sino kaya ang mapipiling mga macho sexy stud-actors sa movie na ito? Abangan.

ROBERT SILVERIO

8 comments on “MARIAN RIVERA, LOVI POE, CARLA ABELLANA & POKWANG STARRING SA REMAKE NG ‘TEMPTATION ISLAND’!

  1. Pero sa tingin ko sana di na sinama si Marian d2.. parang kung sinama kasi si Marian dito parang pinababa nya level nya… parang tinabi xa sa mga pasikat palang….

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s