Kung kelan namang pursigido sa kanyang career ngayon si Snooky Serna, saka naman nagkakaroon ng mga major problems and setbacks sa kanyang personal na buhay. As we go around the showbiz circles, marami kaming naririnig na masasama at masasakit laban kay Snooky. We just hope, hindi totoo ang mga iyon. Bilang isang kaibigan ni Snooky, naipangako ng writer na ito sa harap ng kabaong ng kanyang yumaong ina na si Mila Ocampo just early this year na ipaglalaban namin at ipagtatanggol si Snooky. And we are keeping true to that promise. Maski ba nagtatampo sa amin ang ilang malalapit na tao kay Snooky na malaki ang tampo sa aktres na kaibigan namin.
Anyway, we felt na maling move sa parte ng husband ni Snooky ang mga nakakalokang sinabi niya sa “comments” section ng dalawang status posts ni Snooky. Kung anu-ano ang sinabi niya. Hindi mate-take ng maski sinong indibidual. Nakakaloka talaga at to the max ang pagiging “below-the-belt”! Mga bagay na hindi na dapat inuungkat sa madlang pipol. Ano na lang ang mararamdaman ng mga FB friends ni Snooky sa mga nakomento na yun ng dyowa niyang si Mr. Raul “Jun” De Vera? Issues about drugs, sex, lifestyle, habits… yun ang mga sinabing masasakit ni Mr. De Vera kay Snooky!
Two days nagtagal sa FB ni Snooky ang mga komentong yun. Hindi pa siguro nuon nagbubukas ng kanyang FB second account si Snooky. Hindi niya agad nabasa. Kaya after 2 days pa bago nawala yung masasakit na komento. May grabeng comment pa na: “….. sabi mo, may bibili pa ng …..p..k..p…k mo! Eh di, ipagbili mo!” Wow, grabe yan, ha, Mr. De Vera! Wag mo namang ganyanin ang kaibigan namin! Desente po si Snooky at lumaki sa pamilya ng mga artista at edukadong tao!
Pati ang kaibigang aktor ni Snooky na si Lloyd Samartino ay nadamay na din sa gulo. Buti na lamang, may isang objective na tao sa buhay ni Snooky ang nag-advice kay Lloyd na huwag nang patulan si Mr. Jun de Vera.. Kaya hindi na sumagot si Lloyd. Kung anu-anong masasakit na salita din ang sinabi ni Mr. De Vera kay Lloyd sa Facebook. Wala namang ginawa si Lloyd kundi ang tulungan lang si Snooky dahil malaki ang naitulong sa kanya ni Snooky nuong nagsisimula pa lamang siya. Ang launching film ni Lloyd na “Strangers In Paradise” ay pinagtambalan nila ni Snooky sa Regal Films during the early ’80’s.
We just hope and pray, magkabati pa rin sina Snooky at ang asawa niyang si Mr. Jun De Vera. At kung magkaganon man, huwag naman sanang kalimutan ni Snooky na ipinagtanggol siya ng writer na ito, kaya please, huwag naman sana nila kaming ilaglag kapag nagkabati na sila. This writer just did his part, too, just like Lloyd Samartino, bilang kaibigan na tunay ni Snooky!
ROBERT SILVERIO
hindi na sana dapat pa ipubliko ang mga pribadong bagay sa buhay nilang mag-asawa.
Wala ba magagawa ang industriya ng pelikula para sa proteksyon ng mga artista, laos man o hindi? Hindi na tama ang mga sinasabi ng taong naninira sa kanya. Bigyan ng pagkakataon makabangon ang isang tao. Babae sya at sobra na ang pambabastos na ginagawa ng kanyang ex.
Ano ang ginagawa ng industriya ng showbiz? hahayaan na lang ba ninyo na may nasisirang artista? wala ba silang proteksyon?