MARGARITO PINAGA NI PACMAN!


Tru-nay na tru-nay ngang hindi na matatawaran ang angking gilas sa pananapak si MANNY PACQUIAO. Kahapon bahagyang naging maingay ang sana ay tahimik at pamamahingang linggo nang basagin niya ang mukha ng mehikanong si Antonio Margarito.  Parang cobra sa liksi, parang kalabaw sa sapul na pinamalas ni Manny na siya pa rin ang Hari ng Ring sa buong mundo!  Walang pangingiming BINASAG ng ating pambansang kamao ang mukha ng kalaban na nagpursige pa ring iraos ang 12 rounds.  Ikawalong korona na ito ni Manny at malamang ay mayroon pa ring magtatangkang hamunin siya sa bakbakang mundial na malamang sa hindi ay ikatalo ng mga ito.  Hindi man ako sang-ayon sa brutal na sport na ito, naisip ko na wala na lang basagan ng trip, kung trip trip lang na halos dumanak ang dugo at magkagulagulanit ang laman sa harap ng milyon katao; trip trip na rin segurong pag may kinaasaran ka Pacquiao-win mo!

eKLAvUMER

3 comments on “MARGARITO PINAGA NI PACMAN!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s