MR. FU : MANYAK NA, BASTOS PA!


OVER NA RAW ang kabastusang ginagawa ng DJ/ host/ comedian na si Mr. Fu sa mga artistang lalaking kasama nito sa dressing room sa Sunday variety show ng TV5 ang PO5.

Feeling daw yata ni Mr. Fu, nasa gay bar siya sa tuwing nasa dressing room siya, dahil ganu’n-ganu’n na lang daw kung lapirutin nito ang mga puwet ng mga artistang lalaking naiinis na sa ginagawa sa kanila ng mahalay na DJ/ host/ comedian na mukhang enjoy na enjoy sa kanyang ginagawa.

Okey lang daw kung isang beses at biro lang ang ginawa ni Mr. Fu. Kaso raw, palagi at paulit-ulit daw nitong ginagawa  sa mga artistang lalaking kasamahan nito sa show tuwing Linggo, na ayaw nang ipa-mention ang mga pangalan.

Nababastos na nga raw ang mga ito sa kabalahuraan ni Mr. Fu at anytime daw na ulitin pa nito ang panghihipo sa kanila, makatitikim daw ito ng mag-asawang sapak na may kasamang tadyak.

Ang ikinatatakot pa raw ng mga lalaking artistang ito ay ang dumating ang oras na ang pututoy na nila ang dakmain ni Mr. Fu, dahil sa naka-first base na ito sa paglapirot sa kanilang puwet.

Ang tanong? Alam kaya ng mga big boss ng TV5 na sina Mr. Manny V. Pangilian, Sir Percy Intalan, Mr. Nelson at iba pang executive ng TV5 at PO5 ang kahalayang ginagawa ni Mr. Fu sa dressing room ng mga lalaki? Well if not, siguro dapat nang kausapin ng mga ito ang mahalay na DJ/ host/ comedian bago magkaroon ng sapakan at tadyakan sa loob ng dressing room ng mga lalaki. ‘Yun na!

john fontanilla

5 comments on “MR. FU : MANYAK NA, BASTOS PA!

  1. hmm me ganun???echus lang yan wag nyo na pukulin ng kung ano anong kaechusan si Mr. Fu..trabaho lang walang personalan..malamang nagaampalaya lang kayo kay Mr. Fu kasi may carreer na sya ngayon.. I lab ittt!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s