KRIS AQUINO SIBAK NA SA PWNW!


SA October 1 na ang huling araw na mapapanood si Kris Aquino sa Pilipinas Win Na Win ng ABS-CBN 2.
Kung ating matatandaan, may balitang matsutsugi na ang show sa pagtatapos ng Setyembre. Pero isang press statement ang ipinadala sa amin ni Mr. Bong Osorio, head ng ABS-CBN Corporate Communications, na nagsasabing tuloy pa rin ang Pilipinas Win Na Win pero aalis na nga si Tetay.
Sa pag-alis ni Kris, apat na male host ang ipinalit rito ng Kapamilya Network management. Ito ay sina Rico J. Puno, Rey Valera, Marco Sison, at Nonoy Zuñiga. Sasamahan pa rin sila nina Pokwang at Valerie Concepcion.
Kaya sa October 2, mapapanood na sina Rico, Rey, Marco, at Nonoy together with Pokwang and Valerie upang ipagpatuloy ang pagbibigay ng aliw, tuwa, laro, at pag-asa sa mga Filipino sa buong mundo.

MARICRIS NICASIO

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s