VICE GANDA SEASON NA!


HINDI maikakailang malaki ang tiwala ng Viva Films kay Vice Ganda dahil isang napakalaking proyekto ang ipinagkatiwala nila sa komedyante. Si Vice ang kanilang napili para magbida sa remake ng Petrang Kabayo na unang ginawa ni Roderick Paulate noong 1980.
“Sobrang saya!” ani Vice ukol sa proyektong ibinigay sa kanya ng Viva. “Yun lang naman natural ang nararamdaman mo, maging masaya sa lahat ng mga biyayang ito. Unti-unti kong ninanamnam.
“Hindi talaga nagsi-sink pa sa akin nang buong-buo na tapos na, magsu-showing na. Natatawa lang ako, masaya, kinakabahan. Pero mas namumutawi ‘yung saya kaysa kaba.”
Paano nga ba tinanggap ni Vice na kaya na n’yang magbida sa isang pelikula?
“Noong itinawag sa akin ni Direk Wenn (Deramas), direktor ng Petrang Kabayo) ‘yan, kasalukuyang nasa Showtime ako, nagdya-judge ako. Nawala ako sa sarili! As in, nawala talaga ako sa wisyo.
“As in hindi ko na napapanood ‘yung mga nagpi-perform. Hindi na ako makapagsalita ng maayos. Hindi na ako makapagpatawa. Nataranta ako.
“It took time para ako makapag-isip at mag-usap kami ni Ogie (Diaz, manager ni Vice) nang masinsinan na, ‘Tama ba itong gagawin ko? Tatanggapin ko ba ito? Ikakaganda ko ba ito o ikapapahamak?’ Kasi hindi ko alam kung tama ba talaga o panahon na ba talaga?
“Pero sabi ni Direk Wenn, ‘Wala nang ibang panahon na puwede mong gawin ito kundi ngayon na.’ Eh, napakalaki ng tiwala ko sa kanya at kay Ogie kaya go lang nang go!”
Nagsimula bilang stand-up comedian sa mga comedy bar si Vice at doon siya nadiskubre ni Ogie. Lumabas na siya sa Apat Dapat, Dapat Apat ng Viva na sinundan ng mga teleseryeng Maging Sino Ka Man at Dyosa.
Sumunod ay nag-audition siya para sa bagong show ng ABS-CBN, ang Showtime, na originally ay evictible guest judge lamang siya dahil sina Long Mejia at Brod Pete ang talagang nasa puwesto niya.
Hindi akalain nina Direk Bobet Vidanes at ng mga staff na ganoon kabilis ang utak sa pag-iisip ng mga nakatatawang puncline ni Vice kaya dry-run pa lang, pasok na sa banga si Vice. ‘Yun ang simula ng pag-angat ng career ni Vice na dahil sa Showtime nadalas ang pagso-show niya sa mga probinsiya at most requested din siya ng mga TFC subscriber.

MARICRIS NICASIO

One comment on “VICE GANDA SEASON NA!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s