PILITA CORRALES … QUEEN OF ALL ASIAN DIVAS


Masarap isiping mayroong isang PILITA CORRALES sa mundo ng libangan at musika.  Hindi maipagkakaila na isa siyang haligi na maituturing lalo na’t magpahanggang sa ngayon ay may ningning pa rin ang kanyang pangalan at patuloy na namamayagpag sa lounge acts at malalaking concerts.  Likas na komikera, hindi matawaran ang timing niya sa pagpapatawa kung kaya naman ay maya’t maya ay napapanood siya sa mga sitcom at pelikula. Napakahabang panahon na ang inilalagi niya sa showbis kung kaya naman tuwing nababanggit ang kanyang pangalan, laging meron kang maalala niyang kanta. Lalo na ‘yong A MILLION THANKS na sumikat rin abroad at ang napakarami niyang naisaplakang awiting sariling atin.  Natatandaan ko noong early 80s, lalo siyang sumikat at napamahal sa masa sa mga awiting Kapalaran (ni Rico J), Araw-araw Gabi-gabi (ni Didith Reyes) at mga kundimang talaga namang iniangat niya sa pagitan ng kasarinlan nitong uri at pagiging pop.  Hinding-hindi rin malilimutan ang kanyang AN EVENING WITH PILITA kung saan ay linggo-linggong napapanood ang tatak sa bawa’t performance niya na pagliyad ng sobra.

Kasing kulay din ng kanyang karir ang kanyang buhay-pag-ibig kung saan sa mga ito’y nagbunga ng dalawa niyang supling na pawang nasa showbis rin na sina Jackie Lou Blanco ( anak niya sa negosyanteng si Gonzalo Blanco) at ang bunga ng kanyang pakikipagrelasyon kay Eddie Gutierrez na si Ramon Christopher.  Nariyan rin si Amado del Paraguay at ngayon masaya pa ring kasama sa buhay si Carlos Lopez, isang latino.

Sa kanyang pagharap sa PAPARAZZI ng TV5, nabangggit ni tita Pilits na walang katotohanang siya ay naghihirap na bunsod sa diumano’y pagkabankrupt ng kanyang mga negosyo.  Sineguro niya sa kanyang mga tagahanga na maayos naman ang buhay niya at wala na ring pagsidlan ng saya.  Inamin niyang bagama’t nagsasama pa  sina Jackie Lou at ang asawang si Ricky Davao, hindi raw niya masasabi kung pinagsasaluhan pa nila ang iisang silid.  Mukha kasing may kasunduang ang mag-asawa lamang ang nakakaalam sa mga detalye.  Isang masasabing civil agreement na magkasama pa rin sila bilang pamilya sa iisang bubong alang-alang sa mga anak nila.  Inamin rin niyang hindi madali para kay Monching ang pagiging single parent nito, pero sa kabila ng lahat ay nakikita namang nagsisikap ito para buhayin ang kanilang mga anak ni Lotlot.

Hindi talaga matawaran ang nag-iisang ASIA’S QUEEN OF SONG , na sa aking palagay ay dapat nang palitan to a higher level … sa aking puso si PILITA CORRALES , ang QUEEN OF ALL ASIAN DIVAS!

eKLAvUMER

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s