CRISTY FERMIN VS CHOKOLEIT : DEMANDAHAN BLUES!


TULOY ang pagsasampa ng demanda ni Nanay Cristy Fermin sa komedyanteng si Chokoleit.
Sa Martes, August 31, nakatakdang isampa ni Nanay Cristy ang kasong unjust vexation at libel laban sa comedian na tila dumurog ng kanyang pagkatao sa kanyang sariling Twitter account na pinagmumura niya ang batikang showbiz columnist.
Habang tinitipa namin ito ay nabasa pa namin ang maaanghang na pahayag ni Chokoleit sa Twitter noong Sabado. Narito ang ilan sa tweets ni Chokoleit:  
“Kasalanan ba kung mas maraming nagbabasa at naniniwala sa Twitter account ko kesa sa column ng isang desperadang mangkukulam? Galaiti much?”
“Ika nga ni Mr. M, “ParaBelum”…nakunakunaku nakunakunakunakunakunakunaku, ang sabi ng pabo! Bwahahhahahaha!
“Kung may totoo man sa mga sinusulat ni Cursety Fearmean sa diyaryo . . . ito ay ang petsa nung araw na iyon!!! Bwahahahahhahahahaha!!!! =)”
“Ang namimikon ang napikon ? Ayy, talo? Bwahahahhahaha! Go ahead , Make My Day! :&”
“For a cheap ploy, I’m not the kind who bites the bait. I’m too smart for that. Try harder pathetic old rotten scoundrel. =)”
Ka-text namin si Tita Cristy at ito ang kanyang pahayag sa amin:
“Ang akala niya kasi, comedy bar ang lahat ng aspeto ng buhay. Sa Tuesday ako magpa-file”.“Ang mga tweet niya, hindi makakain kahit ng gutom na aso. Akala ko nga, nasimentuhan ko na ang palibot ng puso ko, kaya matibay ako. Paminsan-minsan pala, aaray ka pa rin, dahil niyuyurakan na ang pagkatao mo.”
Nabasa namin ang tweets ni Chokoleit at maging kami ay nagulat sa pambabalahura ng stand-up comedian kay Nanay Cristy. Grabe siya kung makapagmura. Wala siyang galang sa babae. Wala siyang pakundangan. Hindi niya naisip na masyadong foul na ang kanyang ginawa kay Nanay Cristy.

ALEX BROSAS

11 comments on “CRISTY FERMIN VS CHOKOLEIT : DEMANDAHAN BLUES!

  1. Napakabastos nga ng mga tweets n chocoleit at wlang pag galang sa babae, pero c cristy b gnlang ang pagkatao ni chocoleit?!?

  2. Di ko trip si Chocolate..pero sangayon ako sa mga sinasabi nya. Ang kapal naman ng mukha ni Cristy xapa ang may karapatang magdemanda??!!! Hello? Anu xa santo? Ang lakas nya makapanlait at makasira sa mga artista tapos xa hindi pwede salingin? Kapal naman ng mukha nya.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s