ISANG GABI SA PILING NI ALLEN DIZON (conclusion)



Sa kapuluan ng mga artistang aktor ngayon sa pelikulang lokal, kakaunti na lamang ang masasabi mong seryoso talaga sa tinatahak nilang propesyon. Karamihan sa kanila, parang bulalakaw lamang na biglang susulpot ang kanigningan, at bigla ring mawawala pagkatapos mapakinabangan ang alay ng tagumpay. Yung iba, tipong bread-tripping lang- tatanggap ng tatanggap ng mga projects na maski ano, maski makasira sa imahen nila. Kaliwa’t-kanan ang mga endorsements at commercial, at nakakasawa na silang panoorin maski ba ganun sila kagaling na aktor. After sometime, biglang kukupas ang matingkad nilang mga kulay dahil sa sagad-sagaran nilang exposures- sa loob at labas ng pelikula. Hindi nila inisip, ang tunay nilang destinasyon ay maging isang tunay na aktor.
Pero kakaiba sa kanilang lahat si Allen Dizon. Pinag-aaralan muna niyang maige kung tatanggapin ba niya o hindi ang isang papel sa peikula o telebisyon. Iniisip niya ang pang-matagalan na epekto nun. Hindi na baleng mawalan siya ng project, basta ba alam niyang nasa tama namang landasin ang career niya.
Naririto ngayon ang Part Two ng aming Q & A interview kay Allen Dizon na ginanap sa Shakey’s Tomas Morato:
ROBERT SILVERIO (R.S.): Bakit bihira ka nang lumabas ngayon sa telebisyon at mga teleserye, Allen?
ALLEN DIZON (A.D.): Medyo maingat kasi kami ng manager kong si Dennis Evangelista sa pagtanggap sa mga TV offers. Kasi, kadalasan, ginagawa akong tatay ng isang artistang aktor na masasabi mong adult na rin, at hindi na malayo sa edad ko. Katulad dun sa isang teleserye ngayon, in-offer sa akin na maging tatay nung bidang aktor dun sa teleserye, eh, kagagawa ko lang last year ng isang pelikula sa kanya at ang papel namin ay magkapatid lang. Tapos ngayon, magiging tatay agad ako? Baka magkaroon ng impresyon sa mga tao na ang image ko ay “tatay” na o much worse, “lolo” na! Huwag naman. Ayoko namang isakripisyo ang sarili kong career para lang sa pera. Kung makakasira lang naman sa career ko, huwag na lang.
R.S.: Sa palagay ko ay tamang move yan sa parte nyo, Allen. Parang alam ko ang teleseyeng yun. Pinatay agad ang karakter nung tatay. Napakapangit na role. May mga istasyon na gustong tsugihin ang mga careers ng mga promising dramatic actors na tulad mo, just to favor on their own set of talents?
A.D.: Ayoko na lang magkomento sa bagay na iyan. basta ang sa amin lang ng manager ko, kung ano ang ikagaganda ng career ko, yun ang susundin namin.
R.S.: Maiba tayo ng usapan, what do you think is your biggest film to date na nagawa mo na, Allen?
A.D.: Siyempre, itong “Sigwa” at “Dukot”. Although sa Sigwa, supporting lang ako, kaya lang, para sa akin ay malaking pelikula yan. Pero paborito ko naman sa lahat ang “Dukot” dahil sa pelikulang ‘yan, ako yung nasa title role dahil ako ang dinukot diyan. Kuwento yan ng mga aktibistang dinudukot nung panahon ng martial law. At siyempre pa, diyan din ako nanalo ng Best Actor, ka-tie ko si John Lloyd Cruz, this year lang, sa Gawad Tanglaw awards. Napansin ko pa, pagkatapos kong gawin ang pelikulang yan, nag-iba na ang pagtingin sa akin ng mga tao.Kada ipapalabas ang pelikulang yan sa mga premiere nights, at nanood ako, pagkatapos ng showing ng film, pinagkakaguluhan ako ng mga tao. Karamihan, mga estudyante pa. Diyan sa pelikulang yan, talagang dinumog ako ng mga tao.Ang sarap ng pakiramdam ko!
R.S.: Sino ba sa mga beterana nating aktres ang gusto mong makatambal balang-araw, Allen?
A.D.: Walang iba kundi si Nora Aunor. Siya din ang idolo ng manager kong si Dennis Evangelista. Yan ang pangarap namin, ang makatambal ko someday si Nora Aunor sa isang movie. Kasi naman, hindi mo maku-kuwestiyon ang galing ni Nora sa pag-arte. At para makasama at makatambal mo si Nora sa isang pelikula, ang kahulugan nu’n ay malayo na ang narating mo sa pagiging isang aktor.
R.S.: Hindi ka na ba tatanggap ngayon ng mga sexy o daring roles, Allen?
A.D.: Hindi ko naman kinakaila na diyan ako nanggaling sa mga sexy roles. Pero thankful ako dahil ngayon, medyo na-elevate na ako. Ang gaganda ng mga roles na napupunta sa akin ngayon at hindi na basta hubaran lang. Kusa lang dumating yun sa career ko, tito Robert. After nu’ng manalo ako ng Best Supporting Actor sa pelikulang “Twilight Dancers”, naramdaman ko na ang pagbabago. pero okey pa rin sa akin na tumanggap ng mga roles na ganun, basta maganda ang papel at makabuluhan.
R.S.: Bukod sa acting career mo ngayon, ano pa ang masasabi mong biggest achievements mo in life?
A.D.: Medyo naging maingat at masinop rin ako sa buhay ko, tito Robert. I am proud to say na succesful din ako ngayon sa career ko as a businessman. I am into buying and selling of cars. Bukod diyan, may nabili na akong franchise ng isang branch ng Kenny Rogers Chicken restaurant dun sa amin sa Pampanga. Medyo okey naman po ang takbo ng mga businesses ko. Kaya natutuwa ako. maganda na ang takbo ng career ko, okey din ang businesses ko….,Kaya lang, tito Robert, nananatili pa rin akong simple sa buhay. Hindi ko iniisip na papasukin sa ulo ko ang tagumpay. I want to remain humble as a person. Yun bang nakatapak pa rin ako sa lupa.Basta makita ko lang na secured ang future ng mga anak ko, masaya na ako. And I can afford to choose roles, hindi yung tipong tatanggap na lang ako basta dahil kailangan ko ng pera. Ayoko ng ganun. Basta in the end, I want to make movies that I can be proud of. Yun na ang mahalaga sa akin ngayon.
R.S.: At unti-unti mo na ring nakukuha ang atensyon sa ibang bansa dahil nagso-showing na rin doon ang mga pelikula mo, Allen.
A.D.: Kaya nga po, eh. Nakikilala na rin ako kahit papa’no sa abroad. At proud sa akin ang mga Pinoy du’n. Maraming salamat.
R.S.: You still have a long way to go, Allen. Malayo pa ang mararating mo. I am also so proud of you.
A.D.: Thank you, tito Robert.-(***end of interview).

Sana, laging may isang Allen Dizon na seryoso ang pagnanasang makapag-contribute ng maganda sa industriya. Hindi basta magpapasikat lang o mambababae. Hindi basta magpapaningning lang ng pangalan. Kundi, makagawa ng maganda sa mga pelikulang ginagampanan niya. At dahil diyan, aakapin din siya ng mahigpit ng mundo ng sining at pelikula.

ROBERT SILVERIO

By eklavumer Posted in Walang Uri

One comment on “ISANG GABI SA PILING NI ALLEN DIZON (conclusion)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s