Isang date, isang usapan. Matagal nang plinano. Ngayon lang natuloy. Finally. Isang gabi, sa piling ng aktor na si Allen Dizon.
Hayun si Allen at galing pa ng Pampanga. Medyo haggard pa dahil kadarating lang din buhat sa bansang Japan ilang araw pa lang ang nakakaraan (dahil nag-showing doon ang pelikulang “Dukot”) at medyo sinisinat pa. Pagkakita sa writer na ka-date niya, tila sumigla ang mukha niya. Hay salamat, hindi pa rin nagbabago ang isang Allen Dizon pagkatapos ng maraming panahon na lumipas. Hindi man niya totally pinapakita yun, mararamdaman mo… Isang gabi, sa piling ni Allen Dizon.
Nagsimula sa pagiging isang sexy actor, si Allen Dizon ngayon ay isa nang nirerespetong aktor. isang “total transformation”, at isa sa mga aktor na nagtahak ng magandang “career planning”. Salamat sa manager niyang si Dennis Evangelista, na-proteksyunan ng husto ang career ng aktor na ito. Kasi sa bawat karera ng isang artista, isang simpleng pagkakamali ay maari nang ikabagsak mo na. Sa kaso ni Allen, habang tumatagal ay lalong tumitibay ang kanyang karera.
First acting award na natanggap ni Allen ay para sa pelikulang “Twilight Dancers” kung saan ay papel ng isang ageing macho dancer ang kanyang ginampanan. Nanalo siya ng Best Supporting Actor sa Star Awards, at nasundan pa ng isa sa Famas, para din sa pelikulang yun. And the rest is history.
Pagkatapos nun, nag-umpisa na ng tuluyan ang pagtahak ni Allen into becoming a full-pledged dramatic and serious actor. At unti-unti na siyang nakaalis sa sexy genre o image.
Naririto ngayon ang aming Q and A kay Allen:
ALIWAN AVENUE (AA): After winning two best Supporting Actor trophies and three Best Actor trophies, one for “Paupahan” and another one for “Dukot” just early this year and last year, it seems na talagang marami na ang nakakapansin sa isang pagiging magaling mong artista, Allen.
ALLEN DIZON (A.D.): Maraming taon ko din pong pinaghirapan yan, kuya Robert. Yung mga naunang pelikula ko, naging preparasyon ko lamang. Pero I think, si direk Joel Lamangan talaga ang nakapiga sa akin sa acting. Nagsimula yun nung gawin namin ang pelikulang “Dukot”. Nanalo ako sa pelikulang yan sa Gawad Tanglaw, ka-tie ko si John Lloyd Cruz, tapos, na-nominate ako sa halos lahat ng award-giving bodies dahil sa pelikulang yan… kuya Robert, ibang klase kasing magtrabaho si direk Joel. He is very straight, disciplined. Gusto niya, prepared ka na pagdating mo sa set ng shooting niya. Ang gusto lang niya, huwag kang mago-overacting. Dapat controlled ka lang.
AA.: Kaya pala bukod sa “Dukot”, napakagaling mo rin sa pelikulang “Sigwa”. Maski ba medyo supporting lang ang role mo sa “Sigwa”, unlike sa “Dukot” na bida ka talaga, still, yung highlight scene mo sa ‘Sigwa” ay remarkable talaga.
A.D.: Yung eksenang nagpakamatay ako dun sa Sigwa, tuhog ang eksenang yun. Wala yung cut-cut! Kaya dapat, super-prepared na kaming lahat bago kunan ang eksena. Siyempre, takot din kaming lahat kay direk Joel. Pero yun, after nung take na yun, natuwa sa akin si direk Joel at sabi niya, magaling daw ako. Salamat naman at nagawa ko ng mahusay yung eksenang yun. Isa kasi akong deep-penetration agent dun sa movie na yun na nagpakamatay sa bandang huli.
AA.: Ano-ano ang mga kasunod mong pelikula ngayon after “Dukot” and “Sigwa”. Siyempre, people are expecting much from you.
A.D.: May nakatakda kaming gawin, ang working title ay “Deadline”, ukol sa mga warlords at media killings. Apat kaming magiging bida run. gagampanan ko dun ang pael ng isang Muslim journalist na magiging witness sa isang krimen.. Pagkatapos, naka-iskedyul na rin yung “Silab”. Si Racquel Villavicencio ang sumulat ng script nito kaya maganda talaga. Istorya ng isang OFW sa Saudi na nagbalik sa Pilipinas kasama ang bestfriend niya. Mapagkakamalan silang bading ng bestfriend niya. Yun pala ang misis niya ang may relasyon sa bestfriend niya at itsa-chop-chop ng misis niya ang “ari” ng bestfriend niya… At pangtalo, yung dream movie namin ng manager ko na ukol sa land-grabbing sa mga magsasaka. Ito ang magsisilbing solo movie ko na ako talaga ang bida. Parang “dukot” ang magiging tema nito.
mataas na ang respeto ng mga taga-movie industry kay Allen Dizon. Dapat na maipagpatuloy niya ang malinis niyang imahen sa showbiz.
maliit at mapanghi ang titi nya. matigas pa ang mukha.