ALYSSA ALANO DENY TO DEATH ANY RELATIONSHIP WITH MIKEY ARROYO!


KAY PARTY-LIST REPRESENTATIVE Mikey Arroyo iniuugnay ang pangalan ni Rufa Mae Quinto, whether romantically or otherwise. But it’s such an item that is as old as the first ever recorded case of infidelity, perhaps.

Dahil dito, nakahinga na raw nang maluwag si Alyssa Alano, ang sexy TV host-actress na minsan ding na-link sa nagbabalik-Kongresong personalidad. Paano nga bang nakaladkad si Alyssa sa umano’y relasyon ni Mikey?

“Palagay ko po, nagsimula ‘yun nu’ng inimbitahan ako ni Mikey sa isang event sa Bacolod two years ago para mag-perform. Pero wala po talaga, never pong naging kami,” a relieved Alyssa told me sa backstage ng Startalk nitong Sabado.

Tulad ng gasgas nang linyang sa career na naka-focus ang atensiyon ngayon ni Alyssa, she has a more valid reason why Mikey is certainly not her type. “Unang-una na po, may asawa na si Mikey. Bakit naman po ako papatol sa isang lalaking may sabit, kung puwede naman po sa isang eligible bachelor?”

Pero sa pagkakaugnay ni Rufa Mae sa kongresista, does Alyssa finally feel more relieved? “Idinenay naman po ni P-Chi (Rufa Mae Quinto’s nickname) na sila, ‘di ba? So hindi po siguro si Mikey ‘yung sinasabing ‘mystery guy’ sa buhay niya. Mas concerned po ako sa kaso ko, at least, pagkakataon ko na rin pong i-clear ‘yung name ko na hindi ko nakarelasyon si Mikey tulad ng mga bali-balita.”

One thing’s with this girl, one of Alyssa’s virtues is honesty. “Tito Ron, ilang taon na po ba tayong magkasama rito sa Startalk? Nagsasabi naman po ako ng totoo sa inyo. Pero masaya na po ako ngayon dahil naklaro ko na po ang isyu. Magkakakilala’t magkaibigan kami ni Mikey, pero hanggang du’n na lang po ‘yun.” Paglilinaw pa ni Alyssa, one of the cast members of GMA’s Kaya ng Powers.

RONNIE CARRASCO

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s