KIM CHUI : SUICIDAL?


MARAMING NAGMAMAHAL NA kaanak ni Kim Chiu ganu’n na rin ang marami niyang tagahanga ang nagulat sa tsismis na diumano’y nag-attempt mag-suicide ang tsinitang young actress. Isang malapit sa young actress ang nagkuwento sa amin, na iyon daw ang malayong pagtangkaang gawin ng dalaga sa kanyang buhay, lalo pa’t kung ang magiging dahilan ay lalaki. Pupuwede raw na kung dahil sa kalungkutan tungkol sa lovelife ay magmukmok o sukdulan pa roon, ay iiyak talaga si Kim, dahil iyakin naman siya tungkol sa madadramang parte ng kanyang buhay. Pero hindi ang magpakamatay.

Malungkot lang si Kim, dahil hindi pa matapos-tapos ang isyu at pangungulit sa kanya tungkol sa break-up nila ni Gerald Anderson. Kahit ipinaliwanag na niya, na kaya siguro mayroong ganyang isyu ay dahil natapos na ang kanilang teleserye, parang marami pa rin ang hindi naniniwala sa kanya. Itinuturo ring dahilan ang pagkakaugnay ng pangalan ngayon ng kanyang ka-loveteam kay Bea Alonzo. Pinaghihinalaan tuloy si Kim na mayroon talaga siyang inililihim tungkol sa mga situwasyon.

Iginagarantiya naman ng mga nakakakilala kay Kim, na sa mga panahong ito ay napakasaya ng young actress dahil sa magandang nangyayari sa kanyang showbiz career, na bukod sa pinangarap talaga niya ay siyang bumago sa takbo ng kanyang buhay. Sobra raw ang pagmamahal ng dalaga sa kanyang trabaho. Para na nga raw hindi pansin ng ka-loveteam ni Gerald ang mga pagod na kanyang nararamdaman sa dami ng kanyang pinagkakaabalahan. Kaya bakit daw sisirain ng dalaga ang kanyang buhay?

MELCHOR BAUTISTA

One comment on “KIM CHUI : SUICIDAL?

  1. KAHIT NA AYOKO SA PETCHAY NA ITO, IBANG USAPAN NA ANG SUICIDAL. MAYBE SHE’S UNDER DEPRESSION DAHIL BUKOD SA SIKAT NA SIYA, BAKA MAY PROBLEMA SA PAMILYA, O SA LOVELIFE. HUWAG NAMAN SIYANG MAG-SUICIDE DAHIL MAWAWALAN NG THRILL ANG CAREER NI SARAH GERONIMO!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s