KAKATAWATAWA NGA KAYA?


Mahalaga sa buhay ang PAGTAWA.  Sa hindi maunawaang dahilan maraming tao ang naniniwalang ‘napapagpag’ ang anumang karamdaman sa katawan tuwing tayo’y tumatawa, humahigikgik, humahalakhak at bumubungisngis.  Madali lang namang tumawa, ang pinamadaling paraan ay ang pag-nganga at humingang may tunog… mas mainam kung bilis-bilisan para makahawa. Pero sa totoo lang, personal kong masasabing TUNAY ngang nakagagaan ng loob at kapaligiran ang malutong at umaalingawngaw na tawa.  Marami rin tayong mapagkukuhanan ng kagalakang humalahakhak; naroong dumidikit tayo sa mga taong palatawa, naroong manood tayo ng mga SITCOM o GAG SHOWS upang mairaos ang pang-araw-arawng hagikgik.  Tunghayan kaya natin ang mga namamayaning lokal na sitcoms na ating mapagpipilian:

1. WOW MALI! (gag show).  Puede ring ‘gudtaym’ ang title ng show na ito sa TV5 , dahil pang-gugudtaym sa mga tiga-Maynila.  May set-up; may plan A at B, at higit sa lahat pang-asar lang talaga.  Naroong habang naglalakad ka sa QC Circle ay bigla kang mabagsakan ng ahas o habulin ng unggoy ; naroon namang  tatakutin ka lang at higit sa lahat naroong pinagmumukha ka talagang tanga.  Kulang sa social sensitivity ang show at por dios por santo pag-damitin naman nila ang babae ni Joey de Leon sa may pool( nasa tabi ng pool para lusot)!

2. SHOW ME THE MANNY (sitcom).  Mukhang pinag-iisipan naman ang mga konsepto linggo-linggo ng show na ito.  Lagi mo lang hahanapin si Manny Pacquiao dahil kahit personalized ang show na ito para i-showcase ang comedic tensions ng boxer; absent siya lagi.  Kaya naman tinambakan nila ito ng big stars ng GMA7 sa pangunguna ni MARIAN RIVERA na nagpapatawa kahit hindi siya kalbo.  Kalat-kalat at magulo ang mga eksena, laging may sigawan at nagugulat.  Parang basta na lang sinalpak ang ibang stars dahil sa sobrang dami nila hindi mo matutumbok ang punchline ng buong palabas.  Hindi naman natin inaasahang maging cerebral ang tipo ng komedya ng show, parang dapat isipin ng mga creators nito na itigil na ang kabaliwan.

3. MALAY MO MADEVELOP (sitcom).  Maganda ang pagtambal ni AGA MUHLACH kay AIAI DELAS ALAS. Mukhang fertile ang mga posibilidad na plots na mapaglalaruan.  Tipong Beauty and the Beast kasi ang dating, of course si Aiai ang beast.  Ito yong tipong aabangan mo ang paghaharap ng dalawang bida habang nagbabangayan at nag-aasaran. Which can get boring.  Maganda rin ang casting at napakalakas ng dating ng child actor na si JARIUS AQUINO.  Work in progress pang matatawag ang takbo ng show tuwing Sabado sa ABSCBN 2.

4. LOKOMOKO U. (gag show)  Ito ang showcase ni AL TANTAY.  Halatang hagod na hagod na ni Tantay ang kiliting-Pinoy.  Sinasakyan ang mga kontemporaryong bagay-bagay at ini-spoof ng bonggang-bongga.  Visible sa mga skits sina JC DE VERA, CALOY ALDE, EMPOY, ALEX GONZAGA, RAINIER CASTILLO, PRINCESS RYAN atbp.  Maayos naman ang build-up ng mga sunod-sunod na snap skits at ma-eenjoy mo ng sobra si TUESDAY VARGAS.

5. COMEDY BAR. (gag-as-live show).  Walang comedy dito.  Nakakasawa ang karakas ni ALLAN K.  Pansin mo namang nag-eefort siyang mapatawa ang bawa’t haging at bitaw niya pero napaka-contrived at constricted ang dating.  Si EUGENE DOMINGO naman ay just being herself na hindi nakakatawa, mas maeenganyo kang mapangiti ni Eugene kapag scripted ang palabas.  Walang naitulong ang ibang casting at format.  Wala siyang kalatoy-latoy.

6. BUBBLE GANG (gag show).  Longest running na ito.  May sariling kultura na ang struktura ng pampa-aliw.  May sinusundang texture ang bawa’t gag.  May mga sumikat nang mga nagsimula sa Bubble Gang tulad ni Diego, Moymoy Palaboy at ito ang showcase naman ng komedyante mismong si MICHAEL V.  Masinop magburda ng mga sitwasyon si Michael V; tama ang timpla at talagang matatawa ka.  Maganda rin ang synergy ng grupo nila na mapapansin mo dahil mukhang nag-eenjoy talaga sila sa kanilang show.

7. ANG DARLING KONG ASWANG (sitcom).  Kung ano ang tipong komedi ni VIC SOTTO, ganun pa rin sa showng ito.  Siniksik ang kwento sa temang horror , habang pilit nilang nagpapatawa.  Mataas man ang energy ng bawa’t eksena, mababa masyado ang production value. Hindi na rin nakakatawa si Ritchie d Horsey.  Nakakaaliw naman ang pagka-kikay ni DAIANA MENEZES.

8. I LAUGH SABADO (gag show).  Ah, ibang klase ang show na ito… designed para sa mga CRETINOIDS!

9. BANANA SPLIT (gag show).  Nasa lebel siya ng mga tipong komedi ayon sa pormula ni Edgar Mortiz. Magaling dito si Jason Gainza bilang si Boy Abunda at si Angelica Panganiban as Krizzy.  Masaya at maya’t maya napapahagalpak ka sa mga pagpapak ng cast sa isa’t isa; Nakakaaaliw ang dance sequence nina John Pratts , Zanjoe Marudo, Pooh, at Jayson.  Sexy ang female cast, pati sina Pokwang at Melai ay hindi rin nagpapatalbog sa skin exposure!  May potensyal na magiging isang malaking comedy star si RR ENRIQUEZ; meron siyang likas na kiliti para maging kakatawa.

so far, hanggang ngiti muna ako kasi sobra akong adik sa COUGAR TOWN, ACCIDENTALLY ON PURPOSE, THE BIG BANG, THE 70S SHOW, TWO AND A HALF MEN, THE KING OF QUEENS, HOW I MET YOUR MOTHER, ITS SUNNY IN PHILADELPHIA, SATURDAY NIGHT LIVE, MAD TV at marami pang iba na nakakayod talaga ang plema ko sa katatawa!

Sana matawa naman ako! eKLAvUMER

By eklavumer Posted in dighay

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s